Sweet foods in 3rd trimester.

Hi, mga mommies! Ask ko lang po kung umiinom po ba kayo ng mango shake or halo halo sa 3rd trimester ninyo? Like mango shake at halo halo na nabibili sa labas. Sobrang nag craving kasi ako sa cold drinks hehe. Okay lang po ba na uminom ng mga na mention ko sa 3rd trimester?

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

yes ok lang but in moderation po Mi..masarap pa naman kumain palagi, lalo na't nasa 3rd tri. in my case po is kain ako ng kain at palaging malamig iniinom ko, nung lumabas si baby is 2.4kg siya. maliit siya kahit na palagi akong kumakain at umiinom ng malamig. depende din po yan talaga sa body mo. mcflurry nga din yung isa sa mga palaging kong kini-crave.. hehe

Đọc thêm

noong nagbuntis ako hindi ako makain ng kanin,pero sa matatamis ang lakas ko kumain,chocolates,ice cream,mga shake,,,Ayun! yung dumating ang time na manganganak na ako,grabe ang hirap kasi malaki si baby😭 nakiusap pa ako sa mga nag-aasist na tulungan ako ilabas si baby...sa awa ng dios nakaraos ng maayos kaso natahi talaga ako kasi napunit dzai😆

Đọc thêm

basta wag more on sweets Kasi bilis makalaki Kay baby mas Oki din kung ma gulay ka na nyang third importante iwasan magkasakit more on papaya ka pagdating ng 8m ka para malambot dumi mo Kasi need mag poops after manganak and nasa delivery room ka din papairihin ka nila sabay dudumi kana din nun

ay mii umiwas ka sa matatamis at magbawas ka ng kain kung gusto mo mag normal delivery. yung akin kasi naging kampante ako sa weight ni baby nagkakain ako ayon nung nag 37weeks ako ang laki ng dinagdag sa weight nya. CS delivery tuloy naging ending ko hehe.

Me po sis hehe di ko po yan crinave nung first and 2nd tri pero ngaun 3rd tri na ako prang nag sweet tooth ako bigla 😅😅😅 pati halo halo. Naglilimit pa din pero baka dahil nag ggrow na ng fats si baby kaya siguro ganun 😅

pagkain or pag inom ng sweets po hindi naman siguro batayan kung mas lalong lumaki si baby. Siguro kaya inaadvise na limit lang kasi dekikado na baka magka gestational diabetes sa kabuwanan ng panganak. Kaya limit lang talaga

11mo trước

Ayan din Kasi sinabi sakin ng OB ko Mie Kasi mahilig kumain ng matamis sa ultrasound ko bago ako mag labor 3kg lang si baby nilabas ko 3.54kg kaya Minsan di accurate yan mi, even sa size ng tiyan as per my ob dapat 30cm lang laki tiyan ko nasunod ko din

Influencer của TAP

More on moderation lang po ako mommy, and wala underlying health condition kaya kahit papano in moderation pa din. Pero, cold water ung may ice lagi ko ginagawa haha wala naman issue since first trimester.

Influencer của TAP

Yes, umiinom ako ng mga nabanggit mo nung nasa 3rd trimester ako. As in hindi nila ako mapigilan, hehe. Okay naman ang baby ko.

oks lng po yan ganyan din ako 2nd and 3rd trimester mahilig ako sa malamig na mga shake at halo halo

Sa tingin ko po, as long as hindi naman masyadong matamis at minsan lang, it should be ok.