mahirap kausap si mister

mga mommies ang hirap kausapin ng mister ko kasi kapag inoopen ko yung topic na bubukod bigla nalang nag iinit ulo nya dami dami sinasabi. example. sige punyeta bukas na bukas maghanap ka ng bahay magdildil ka ng asin tangina! or kaya. isipin mo muna pang birthday nyan sarili mo lang iniisip mo! marami pa pong iba. .ang sakin lang naman po is alam nya hirap ko dito sa bahay nila andito din nakatira pamilya ng kuya nya bali 3 family kami dito sa bahay nila hindi kami magkasundo ng mother in law ko pati ng bilas ko..Gusto kasi ng mother in law ko saka ng bilas ko susunod ako sa lahat ng gusto nila kasama sa pagpapalaki ng anak ko which is hindi naman na po tama saka lahat pinakealaman nila pati sa kakainin mo babantayan ka nila magsipag ka dito sa bahay may masasabi kaya minsan ayoko na lumabas ng kwarto or kaya nag mamall nalang kami ng anak ko para hindi ako tumambay ng matagal dito. iniisip ko takot lang ba yung asawa ko na akuin nya ng sya lang responsinilidad nya samin ng anak nya OR takot sya na hindi na nya makuha mga luho nya na binibigay sakanya ng magulang nya.. kapag kinakausap ko po sya palagi ko tinatimingan naglalambingan kami para malamig ulo nya kaso ayun nga bigla bigla nagagalit sabi ko naman po hindi naman issue sakin maliit or malaking bahay ang sakin lang makabukod lang tayo para may peace of mind ako. tutal kaya naman po kaimsi sa bagong work nya mas tumaas sahod nya..

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Siguro po di pa talaga ready si Mister mo. Though, di rin tama na lagi siyang pabalang sumagot sayo. Pwede namang niyang iexplain ng maayos, why di pa niya kayang maibigay sayo yun. May mali si mister mo sa part na yun. Mahirap po talaga makisama but for now, tiis tiis lang talaga. Pagpray mo nalang na dumating yung araw na magkasundo sundo kayo jan at makabukod na din kayo. Always be the bigger person po. Sa isang relasyon, kailangan merong isang marunong magpakumbaba at may mahabang pasensiya.

Đọc thêm

para sken momshie , intindi kita kase di ren kme nakabukod pero di naman ganyan asawa ko siguro di nya pa kaya . Ang hirap den ng sitwasyon mo be . kung sken yan dadalain ko yan kse himbis na kausapin nya ako ng maayos sya pa galit . payo lang te ha naiinis lang kse ako sa ganyang lalaki kse asawa ko nakikiusap pa sya sken alam ko nmn at intindi ko yung sitwasyon nmen kaya tiis lang den kme dito sa byenan ko pakikisama lang talaga basta alam mo ginagawa mo yung best mo .

Đọc thêm

umagang umaga mga mommy tinago ng bilas ko mga ginagamit ko bumili daw ako ng sarili kong gamit tinanong ng asawa ko sino mga bumili nun sabi ng byenan ko sya daw. ngayon nagkakagulo dito samin kasi yung bilas ko pinapalayas kami dito sa bahay ng byenan ko pero yung parents ni mister ayaw kami paalisin yung bilas ko lang pinapaalis kami nag sheshare naman po kami dito..

Đọc thêm

Ganyan din problema ko sa mother in law kobpero yung husband ko namn ok lang sa kanya na lumipat kame pero hindi ngayon kasi masyadong tight yung budget siguro pag nakaluwag pwede.nakami makaalis kasi lagi na lang daw kami pinakekelaman ng mother in law ko tsaka laging may nasasabi samin

Well wala ka magagawa kung ayaw ng mister mo unless kayong dlwa ng anak mo ang bumukod then pagpray mo na sumunod asawa mo sainyo. May mga tao tlaga na PABIGAT SA BUHAY. At pra mawala ang bigat is either sila ang aalis or ikaw. Pili ka dyan sis.

Baka po sa tingin nya d nya kaya na masustentuhan ang mga pangangailangan ninyo pag bumukod kayo.. siguro mamsh.. maige na humanap ka muna ng pagkakitaan. Yunh tipong masasabi mo sa knya na ako na mag babayad sa upa ikaw sa kuryente at pagkain.. mga ganon ba..

Pag may sariling pamilya na po dapat nakabukod na. Tama naman po yung way niyo ng pag communicate sa asawa niyo kaya ang hirap mag advise. What if po 2 kayo magwork para makaipon ng pangbukod at hindi niya sabihin na maghihirap kayo pag bumukod.

Thành viên VIP

Nako wala ka po ba work mahirap po ang stay in mom lalo na pag me mga kasamang inlaws sa bahay. Try mupo mag work momsh para makaipon kadin para sa bahay nyo baka worry din kasi asawa mo sa gastos.

same tayo momsh 😞 minsan gusto ko n lumayas uwi ako samin kasama anak ko kasi iniisip ko n lng baby ko... gusto ko n tlga bumukod. katwiran di p kaya..may utang p kami sa bank kase..

Jan nagiging tamad ang isang tao. Pag alam nyang may sasalo sa kanya. Walang bayag asawa mo. Layasan mo. Tignan natin kundi sumunod yan sayo.