ULTRASOUND

Hi mga mommies, advice naman oh, ano po ba magandang gawin? Kase gipit po talaga kami ngayon, may work si hubby kaso mababa sahod nya, malapit nako manganak kaya tigil ako sa work, masipag naman asawa ko kaya lang mababa sahod nya dun, nag aapply palang sya, now need namin pera kase nalalapit na due ko, nagpa ultrasound ako nung 14 weeks pa tyan ko at low lying placenta, sabe ni doc magpa ultrasound again pag malapit nako manganak para makita if high lying placenta na, kaso need namin pera sa panganganak ko, ano po ba sa tingin nyo dapat kung gawin? Ipasa dyos na lamang o magpa ultrasound nalang ako kahit kahos? Nalilito po kase ako e, gusto ni hubby magpa ultrasoun nalang daw kaso naaawa nako sakanya kakawork walang pahinga at pag gipit nautang pa sya. Ano ba dapat kong gawin?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Lapit ka sa munisipyo hingi ka ng tulong.