Sleeping position
Mga mom Talaga bang left side position matutulog hanggang paggising.?Masakit talaga tagiliran ko at likod.Gusto kong sa right side naman at tumihaya pero takot ako mapaano si baby sa tummy. Thank you po #1stimemom #pregnancy #advicepls #15weeks&5days preggy
Recommended talaga ang left side kase it improves the circulation to the heart and pati na po yung blood flow sa fetus, uterus and kidneys :) Pwede din po sa kanan pero minsan mahihirapan din kayo dyan. Ang pinaka NO na position talaga po is TIHAYA kase pwede mahirapan pagflow ng blood both kay mommy and baby.
Đọc thêmminsan pagka gising ko naka tighaya ako sakit kc pag palagi naka left.. pero pinilit ko pa rin sa left. minsan sa right din ako pag nangangalay na talaga
Mommy, pwede magpalit ng posisyon kung di ka komportable. Di porket sinabi na sa left or right dapat ang posisyon e yun na posisyon mo hanggang paggising.
pede magpalit mam right and left tapos lagay ka unan sa gilid ng tyan,tapos unan din para sa face comfortable...tapos unan sa paanan.
im 18weeks na din hirap din ako matulog sa gabi lagi din nasakit likod ko dko alam kung pano ako ppwesto ng higa 😅😂
Mas ok ang recommended kaso kung d mo kaya mag lagay ka nalng nang unan sa right an left mo..para maging comportable ka
Hindi naman need buong tulog mo left side mamsh kung hindi kana comfortable pwede naman kahit anong position.
Pwede naman po matulog on your right side naman tapos balik din sa left kung hindi na masakit.
ginagawa ko my unan ako sa likod kasi tlgang masakit pero pag may unan atleast nababawasan..
Sabi ng OB ko left or right side ok lang. 😊 basta wag nakatihaya.
Dreaming of becoming a parent