Gender Reveal
Mga mii ilang weeks kayo nagpa pelvic utz pelvic po ba ung makikita na gender ni baby?#1stimemom
ako nag pa CAS ako 24weeks muntik di makita ang gender kasi naka breech sya mabuti nalang talaga mabait yung dr.sabe nya wag ako uuwe ng di nya masure haha kaya pinabangon muna nya ako at pinalakad sa wakas after mga 30mins tinawag ulit ako at nakita na nga namen 90%girl🥰
22 weeks mhi bago makita gender ni baby ko. Muntik pa di makita kasi suhi si baby tapos parang nahihiya pa ipakita. Sabi ko baby pakita ka na kasi puro unisex nabibili damit sayo. Ayun nung binalikan ni doc para tingnan Baby Girl 🥰🥰🥰
at 20 weeks, gusto ko lang makita if normal ba si baby. but nag ask na agad doc if gusto ko daw malaman gender. aba nag pakitang gilas din si baby nakita agad ni doc
Yes po. 5-6mos para sure na makikita gender ni baby. Yung iba kasi di makita kasi nakatalikod si baby
18weeks Pwedi na makita gender ni baby.. pero dpende pa rin sa position nya
Ako 24 weeks kitang kita na gender ni baby
15 weeks sakin. Kita agad gender ni baby