Pagpapadede ng nakahiga
Hello mga miii. Question lang po, okay lang bang dumede ng nakahiga si baby sa stroller pero medyo nakaangat banda sa likod nya? Anyone po na gingawa to sa mga baby nyo? Formula milk po sya kaya sa bote sya nagdede diko na kasi napush ang BM. Nagwoworry kasi ako na baka mapasukan ng gatas sa baga nya kaso wala rin ako magawa kasi pag kukunin ko si baby ko inaawat ako ng byenan ko pati si hubby hinahayaan dumede sya sa stroller kesyo masasanay ko daw kasi sa buhat hays. Any advise naman po di kasi ako mapakali 😔 thank you in advance.

