Bawal daw maligo?
Mga mii sino din po dto ung bagong panganak palang or pagktapos nanganak naligo na? Lalo napo sa mga nag normal delivery jan , sino po dto ung dina sinunod mga pamihiin about sa 9days na bawal pagligo po ako kasi hndi ko kayang hndi maligo eh
Ako mi kinabukasan after ko manganak naligo ako sa hospital bago umuwi. NSD ako. Tapos araw araw ako naliligo sa bahay, 1 week maligamgam tapos mga sumunod na araw malamig na water na
24 hrs after normal delivery naligo na ko. advise din naman ng doctor para maiwasan ung bacteria na malipat kay baby. kahit pa sabihin malinis sa labor room 😅
CS mom here. Naligo ako as soon as sinabi ng OB na pwede na (2nd or 3rd day yun). Buti nalang naka bukod Kami Kasi Yung mom ko paulit ulit na bawal daw hehehe
hindi namn 9days...sobrang tagal namn niyan...a day or 2 cguro..pero ang 9days ang tagal...dapat nga maligo kasi prone ka sa infection tayo sa infection...
sinasabi nila 9 days daw bawal maligo pero sa panahon ngayon jusme. paniniwala nalang yang bawal maligo. 1 day pagkatapos ko manganak niligo ko narin agad.
ligo is a MUST basta warm water lang muna ipampaligo. ITAPON nio na ung mga lumang pamahiin nayan walang buting madudulot yan sa buhay.
CS ako pero naligo din ako agad pag-uwi sa house ika 3rd day un post CS. May cover naman wound di nababasa kaya ligo na agad.
ako mii, hehe pagkapanganak ko kinabukasan naligo na po agad ako sa pinaligo aq ni ob nun nasa lying in pa kme nyan
Naligo na ako sa hospital pa lang. ang init init at ang dumi kasi sa feeling kaya naligo na talaga ako
ako nanganak sa panganay ko ng 12am naligo ako pagkagising ko hehe sa hospital ako naligo noon