Sumasakit bandang gitna
Mga mii, pahelp naman po.. Nagigising kasi ako sa gabi tapos parang mainit sya tapos pag hinawakan ko na ung balat ko parang medyo may hapdi ung balat ko anu po kaya yun mga mii. Sa pag kakatulog ko lang kaya nag woworry ksi ako baka may effect dun s baby ko. 26 weeks preggy po. Natural lang ba yun meron po ba dito same scenario sakin salamat po
sa akin naman ang sumasakit is yung sa may baba ng dede ko sa kanan parang sa may ribs sya. yung feeling ko ay parang namamanhid sya may anghang na kunti na parang makapal ang balat ko pag pinapakiramdaman ko... 2x na ako nakukunan yung 1st pregnancy ko 25weeks nawalan ng heart beat tas yung 2nd naman 30weeks nawalan ng heart beat. na experience ko na pag naramdaman kona na sumakit ito mga ilang araw lang mawawalan na ng heart beat yung anak ko... kakapanganak ko lang sa 2nd angel ko nung august 19 at nararamdaman ko parin yung pamamanhid nya... ipapacheck up ko to pag magaling na ako...
Đọc thêmhello mommy! may hyperacidity po ba kayo? ganito kasi ako. napatingin ko na din kay ob at nagconfirm sya. namamanhid ang balat sa may sikmura parang may pulikat. ever since 2nd trimester ganito na di na nawala 32 weeks na ako ngayon. mahapdi din ang balat ko banda dyan lalo na pag nakasumpong hyperacidity ko. ung sakit po hanggang likod na. pacheck nyo din po kay ob para sure.
Đọc thêmkahit nung di pa po ako buntis may hyperacidity na po ako, natrigger lang Lalo Nung mabuntis ako, Nung nasa 2nd trimester po ako niresetahan din ako Ng gaviscon, pero nd ko po tinake dahil sa ayoko magsitake Ng gamot gat maari mga prenatal vitamins lang, umabot po Kasi mga 2 times na nakafeel ako Ng muntik nang himatayin gawa Ng nahilo din at di makahinga sabay nandilim paningin ,anemic dn po Kasi ako e. tas ngayon ung routine ko 2-3am tas nagigising mga 11am na Lalo ngayong 3rd trimester mas mahirap Lalo matulog, super likot ni baby boy ko e. may times din po na bilis Ng heartbeat ko, ung palpitate. kahit nd Naman na ako nagkakape simula Nung nabuntis ako. tas Minsan parang hinahabol hininga at naninikip dibdib, may time din na umaga Nako nakakatulog like mga 5-6am once lang Naman Kasi naninikip dibdib ko hinaheartburn sabay medyo matigas tyan dahil sa kalikutan ni baby. Ikaw mi ganyang ka din ba ?
Possible po GERD or acid reflux, common sign po kasi yung mainit o masakit mula sa dibdib then paangat po sa lalamunan... lalo kung malaki na si baby sa tyan mo. pero mas sure po sabihin nyo sa OB nyo para kung GERD po yan mabigyan po ng gamot. and kung ganyan po try nyo muna wag humiga 2-3hrs after kumain lalo po sa gabi. Godbless mi.
Đọc thêmako mga mommy nung mga nakaraang mga weeks Yan din halos Ang nararamdaman ko sobrang tigas nang tyan ko sa bandang gitna din pero ngayon na nagtetake ulit ako nang Salveo barley grass hindi na cya gaano tumitigas minsan may sakit pa namn paunti unti nlang sa awa nang Makapangyarihang Diyos 🙏😍
saken po ganyan na ganyan ,feel ko po maling posisyon ng paghiga , kase pag nag iiba ako ng posisyon nawawala sya . as long as na walng spotting po tsaka makulit si baby . exchange lang po kayo ng posisyon ng higa 😁
pag check up niyo po inform mo si OB 37wks na po ako pero Hindi konpo na experience Yan or wag ka Ng maghintay sa check up mo inform mo agad si OB
Baka heartburn po. Umaakyat yung acid sa part na yan. Better to sleep sa left side para hindi kayo magkaheartburn and maganda circulation ng blood.
pag nag pa check up ka mi sabihin mo sa ob mo 31 weeks nako pero diko pa Naman nararanasan Yung nangyare sayo.
ako po na experience ko po yan pag busog ako at my kabag at heart burn
Na experience ko din yun mi, nawala din
Preggers