Sleep schedule
Mga mii, natutulog na po ba ng straight buong gabi yung 2 month old baby nyo? If yes, pano nyo po nagawa? Thank you
Not totally straight kasi need niya parin padedein during the night. Pero, nakakatulog din siya agad after or while pinapadede so hindi naman na ako totally napupuyat. Basta make sure mo mommy na madifferentiate ni baby yung night and day. Bali pag morning hanggang hapon, hayaan mo lang na maingay yung paligid and maliwanag sa loob ng bahay niyo. Then pag gabi, calm na dapat yung paligid. Pabulong nalang kayo magusap ni hubby tapos no lights or dim lights lang. If need palitan ng diaper si baby ng gabi, mag on nalang ng isang lamp para makita mo si baby pero at least medyo madilim parin. Be consistent na ganyan mommy. Eventually, masasanay siya. Yung LO ko, pag nakapatay na yung ilaw sa gabi, nakakatulog na siya agad. Usually 8 or 9pm kami nag ssleep then magigising siya ng 1am para dumede then matutulog din tapos 4am na magigising tapos dede, then 7 or 6am na siya magigising ulit. Side lying po ako magpadede pag gabi kaya nakakatulog din po ako agad pag naipasok ko na sa bibig niya yung nipple ko. Kusa narin po siya bumibitaw sa pag latch pag tapos na then tulog na po siya nun. ☺️
Đọc thêmUng baby ko simula pinanganak ko hindi nia ako pinahirapan sa pag tulog sa gabi para syang matanda hindi ka pupuyati. Start ng 6 pm and magising sya 6 am. Ngaun 9 months na sya nag bago na naging 8 pm to 8:30 am na ung tulog nia ung gising nia lng is to drink milk pero after dumede continues tulog nia. Siguro sanayin mo lng na pag bed time na bed time na and mas maganda tulog nila if walang maiingay sa paligid at make sure comfy clothes suot nila.. kaya masasabi kong ndi ako napuyat sa anak ko thank you po Lord 🙏🏻
Đọc thêmyes straight na baby ko matulog after 1 month lang ni baby naturuan ko na sya difference ng night sa morning. dimlight lang po sa gabi at natural na ilaw sa umaga wag na wag magpapatay ng ilaw sa umaga. sa gabi po white noise na sound super helpful din. dapat wala nang ilaw maliban sa dim light para alam nya na need na nya na night sleep na ng mahaba. need lang tahimik at payapang kwarto para di magambala tulog nya. tapos ulit ulit lang po na ganon masasanay din si baby :)
Đọc thêmhi mi, going 2 months din si baby, dim light lang po pag patutulugin nyo na sya sa gabi, yung sakin after ko ma-sponge bath sa gabi between 9-10pm talaga ang tulog nia bihira lumagpas. gigising sya ng between 1am-3am para dumedede then tulog ulit 5-6am na ulit gising nia. depende palagi pero yan yung range ng tulog at gising nia, try nyo po sya punasan sa gabi para mapreskuhan. kahit mga 9pm basta po dapat husto din sa dede para masarap din tulog nia.
Đọc thêmsa panganay ko ganyan siya sa first year niya.. gigising ng mga 6 or 7am, d3dede konting galaw2 tapos matutulog ulit magigising ng mga 2pm or 3, tapos ganun ulit dede, galaw2, makakatulog mga 7 or 8pm tapos deretso na un gang sunod na araw.. wala naman akong anything na ginawa para maging ganun.. un talaga ung natural na naging routine niya kaya ang swerte ko kahit panu di ako napupuyat sa gabi
Đọc thêmyong baby ko yes tapos dream feeding na lang mag-aalarm ako para padedehin siya, nakadim light kami, tapos if ever naman na magising siya hindi namin siya nilalaro pinapatulog ulit namin agad until nasanay siya sa ganung routine na ang laro lang eh every morning and afternoon tapos pag gabi sleep.
ung bunso ko po ganyan.. straight ang tulog mula 4pm hanggang 4am.. gigising lang pag dede tas tulog ulit pero,, hindi po natutulog sa umaga,, kung gusto makatulog sa morning nka kilik😅
nakakatulog naman po sya ng gabi kaso po nagigising every 2 hours po.
baby ko po sleep ng 10pm gising ng 5am or 6am.
night and day practice basa ka about dun
Full time mum