Hello mga mii!! Mag rarant lang po, parang feeling ko sasabog na ko pag di ko isheshare tong thoughts ko talaga. Naiinis lang kasi ako sa biyenan ko, mabait naman sya kaso may times talaga na nakakainis na din. Yung feeling na nakabukod na kami lahat lahat, parang feeling ko samen sila naasa. 🤦♂️ Jusko ang tatamad ng mga kapatid ng asawa ko, ni magsaing ng kanin nila sobrang tatamad nila. Yung kapag kainan na, di pa sila nagluto dire diretso pasok na sila sa bahay namin para magsandok ng mga kanin nila ganon. Pano kasi ginagaya nila mama nila, imbes pagsabihan nya sila ng ganito ganyan parang sya pa nangunguna sakanila paea gayahin mga ginagawa nya. Pati ba naman sarili nilang gasul di na sila bumili. 5 MONTHS! 5 MONTHS na silang nakikiluto saamin ng mga ulam nila o kung ano ano pa man. Ang tatamad magsipasok sa trabaho ng mga kapatid nya imbes makabili sila ng sarili nilang gasul wala. Di manlang makabili mga bwisit. Parang kami pa yung obligado bumili ng gasul kapag nauubusan kami tapos sila makikiluto lang ang peg. Di naman sa pinagdadamutan sila pero kasi parang NASANAY na kaya NAMIMIHASA na. Nakakainis lang! Pati sa bahay mga makakalat nangunguna nanay. Buti sana kung sa bahay nila sila nagkakalat eh sa bahay pa namin tapos ako pag maglilinis ng mga kalat nila. Iritang irita pa naman ako kapag ka makalat sa bahay. Sinasabi ko naman sa asawa ko pero lagi nyang sagot "hayaan mo na" "ganyan talaga, normal lang yan". Sino di mabubwesit don dibaa jusko