Baby's Kick
Hello mga mii. Ilang weeks niyo po naramdaman nagkick baby ninyo? 18 weeks ko today, so far wala pa nman akong nararamdaman na kick. Thank you po sa sasagot.
FTM...ako bihira ko lang maramdaman, pag kinakausap ko habang pinapakiramdaman no response.Pag nabibusy ako like may ginagawa xaka biglang magugulat ako may kikibot nalang sa bandang puson. Minsan rin pag nakatagilid rin ako ng higa.😅Tatanungin ko pa kung gumalaw ba sya🤣
18weeks na rin ako pero wala din nararamdaman. Minsan di ko alam kung gutom ba o gas yung feeling sa tyan ko. pero nung ultrasound ko nung feb at march sobrang likot paikot ikot sya. Nababasa ko dito baka iba yung position nya kaya di pa natin naffeel yung movement nya.
may nafi-feel rin nman po ako na parang kumukulo tyan ko, dko lang alam kung gutom ba ako o siya na yun. Dko sure.. hehe baka meron na ,mahina lang siguro.
Ako mi nung una akala ko di malikot pero yung parang kumikulo tyan mo sya pala yun minsan naman parang tibok tibok na parang bubbles sya din po yun 17 weeks and 4 days po ako
parang ganun nga po minsan pakiramdam ko. kumukulo tyan ko, kaya dko alam kung gutom lang ba talaga ako o siya na yung nagparamdam. 😄 minsan nman pakiramdam ko parang may tuma tumbling sa tyan ko. dko nga lang sure hehe
ako din, 18w1d. wala pa din nararamdaman. May minsan na pakiramdam ko gumagalaw bituka ko 😂 d ko sure kung si baby pa un o hangin lang 😂
Ako Po 17 weeks lng sobrang likot na ni baby sa tummy ko Lalo pag gutom Ako at nka higa dun sya nagalaw lagi
ganyan po talaga momsh.. noong first baby ko po halos di siya nagalaw ng 1st at 2nd tremester .. Tsaka lang po siya nagalaw noong mga 8 months nako 😊
nag search nga po ako sa google, ilang weeks ba nag i start kick si baby, pag 1st time mom, 20-24 weeks. 😄 kaya antay ko nalang po, tho parang may nararamdaman ako kaso dko lang sure kung gutom o ano yung nasa loob ng tyan ko,baka siya na yun, hehe di lang malakas po
Ako din wala. pero may one time lang nung nakahiga ako ng patagilid, parang may sumundot nang 2x. di ko alam kung quickening na ba yun or wala lang.
baka po meron na tayo nararamdaman, di lang natin sure. hehe
5mos ang paggalaw ng baby sa tyan kain po kayo ng chocolate para maging hyper
kumakain po ako minsan ng chocolate, dko nga lang alam kung si baby na yung nararamdaman ko po. Dko kasi alam kung gutom lang ako, o siya na yun. Parang dko maexplain yung nasa loob ng tyan ko. 😄
16 weeks, ngayong 18weeks nako halos every hour siya gumagalaw
baka po payat kayo. kasi yung kilala ko 16weeks rin dw nagkick baby niya payat siya
18 weeks saki parang na alon na sa tyan ko :)
parang nga po may nararamdaman ako sa tyan ko, dko lang kasi alam kung gutom ako kasi parang kumukulo. 😄 kaya dko sure .. hehe
22 weeks +
thank you po .