First bath after normal delivery

Mga mii ask ko lang po kung kailan pwede maligo after manganak? Sabi kasi ng pinsan ko after 1 month pa daw. Jusko di ko ata kakayanin yun HAHAHHA thank you po sa mga sasagot 😊 #firsttimemom #pasagotmgamommies

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

samin naman 9 days bago maligo. pero 4 days lang naligo na ko ng patago kasi nagask ako sa mama ko 6 kasi kami magkakapatid sabi nya di nya naman ginawa yung mga ganung pamahiin wala naman daw sya nararamdaman ngayon (sabi kasi ng matatanda mararamdaman daw ang binat pag tumanda na). may kasi ako nanganak kasagsagan ng sobrang init, tapos araw araw pa ko pinapaliguan Ng langis gawa may hilot din in 9 days. jusko parang mauuna pa kong mamatay non sa heatstroke kesa sa binat hahahaha kaya niligo ko na talaga. tas pag ka10 days ayun pwede na daw maligo ang ginawa halos kumukulo pa Yung tubig tapos nilagyan ng kung ano anong mga dahon dahon ang pinaligo sakin (Yung manghihilot din nagpaligo grabe binigla ako sa buhos sobrang init🥹)

Đọc thêm
1y trước

anyways nasa side ako ng lip ko now, daming bawal at pamahiin hays