Laboratory

Mga mii ask ko lang , di ko po kasi gaano naintindihan sinabi ng OB ko basta eto po yung pic ng papalaboratory ko sa next na check up ko. I am currently 21 weeks and sabe ng Ob ko magpalaboratory nadaw po ako netong mga binigay niyang list ng ipapatest ko. Uhmm ask lang sa mga nakakaalam na mommies dito di kasi ako nagganito nung first baby ko kasi kasagsagan nun pandemic nakalagay dto 10pm-6am tas sa 75gms OGTT 2hr ano po meaning neto ang naintindihan ko lang is pag nag10pm na dina ako pwede kumain gang 6 am tas dapat 7pm nakapatests nako. #askingmom

Laboratory
4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Fasting time po yan. 8hrs to 10hrs po kasi kapag nagpa-OGTT (Glucose Test) ka. Kukuhanan ka unang beses walang kain/inom, tapos paiinumin ka na ng Glucose test drink na 75gms, tapos paghihintayin ka ng 1 oras bago kuhanan ulit. Di pwede sumuka/uminom/kumain dito kas8 uulit ka po sa umpisa, pagkatapos ng 1 oras kukuhanan ka ulit tapos isa pa ulit after 1hr. Bale 3 beses yun kaya salitan ka kukuhanan ng dugo nyan. Kapit lang talaga. Saken po pinaghiwalay ko yan na araw kasi ung mga blood test / Urinalysis di naman kailangan ng fasting. Para po di ka gutom masyado. Pero nasayo po kung gusto nyong isahang punta sa laboratory. Ready lang po kasi maraming need na dugo sa inyo dyan makakailan din silang kuha ng dugo. Marami parang naalala ko mga 7 vials yon kaya ung braso ko pagtapos e ngalay sobra. Plus pa kung isasabay ung OGTT

Đọc thêm