40 weeks 1 day pero close parin ang cervix..

Mga mii.. ako lang ba ganito? 40 weeks and 1 day na ako pero sarado parin cervix.. wala parin akong discharge.. kahapon sana due date ko eh, sino po naka experience nito ano po gagawin para mag open na yung cervix kase uminom na din ako ng primrose twice a day tapos nag pineapple na din ako... 🥹 Pero wala naman nag babago please help po.. ayoko ma cs

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello mi based naman sa experience ko July 13 pa EDD ko. July 15 ako nanganak kasi 40 weeks na and 5 days si baby kelangan na syang lumabas to avoid complications. Pinag primrose rin ako orally tapos suppository o yung iniinsert wala pa rin talagang nangyari 2cm pa rin ako. Ayun nagdecide OB ko na magpa admit na ko pra mamonitor. 13 ako inadmit pagka 14 nagdecide na ang doctor na iinduce ako. Sobrang sakit pero worth it kasi sa awa ng Diyos nailabas ko na si baby kahapon. Nagawa ko na rin lahat, nagwalking, pineapple juice and fruit…bsta nagpatagtag kakaikot sa mall wla pa rin talaga. Yung induction of labor lng talaga ang naging solution. God bless mi.

Đọc thêm
1y trước

Anong gnagawa pag induction po? Need ba un iadmit?

Consult your OB if ok pa mag wait for more days or weeks. Minsan kasi kahit ayaw natin ma CS baka need naten gawin para sa safety ni baby, baka kasi makakain na sya ng poops nya sa loob ng tyan. But then, kayo padn magdedecide ng hubby mo after nyo magconsult sa OB.

Influencer của TAP

wag masyado ma stress mii, pineapple ay pampalambot lang ng cervix naten, si baby pa rin mag dedecide kung kelan lalabas. pero monitor mo pa rin ano mga nararamdaman mo, if may doubt kana punta kana lang kay ob mo

1y trước

ah okay po..pero hindi po ito proven na pampalambot po walang kinalaman ang pinneaple ..

ang dami pala natin team july pero no sign of labor nagpatagtag na kalalakad ginawa na lahat ganun parin di maiwasan mastress pero sana malampasan na natin ito at makaraos na huhu edd july 21

Ako din momsh 2 days nalang due date ko na wala pa ring signs of labor and discharge. Tinatagtag ko na nga sarili ko sa gawaing bahay tsaka lakad, pero wala paring paramdam.

Pacheck up ka po baka irequest ka po ng bps ultrasound. Ganyan saken e ok naman si baby sa bps kaya lang 3 weeks ng stock sa 1cm. Saktong 40 weeks nag pa induce na

base on my experience mi,FTM poko july9 aq nanganak. sipag lng po maglakad umga hapon,plus squat,primerose at pineapple juice.edd kopo ay sa july23.

Lakad lng mi para matagtag. Galaw galaw ganyan ginawa ko nakaraos na. Ayoko rin ma cs kaya kahit nakakatamad nageexercise tapos diet na ko

same tau ako lagpas na din .. due ko nung 15 huling ie ko nung sang lunes 1cm di ngbbgo sobrang skit na ng katwan ko

Maam ask your ob baka induce labor kana or sched for cs. Ganyan nanyari sa akin. Salamt at nakaraos na kanina.