same problem 🥹
Natutulog siya madalas buhat ko, o nasa dibdib ko, pag nilapag ko walang 5 mins gising na naman at grumpy, dedede ulit hanggang makakatulog ulit ng buhat ko lang, paulit ulit. Minsan nakakapagod kasi wala kong ibang magawa, ultimo pag ligo ko habol na habol sa oras, akala mo may sasabog na bomba, kailangan ko pa linisin sugat ko after (cs ako) sobrang nagmamadali palagi. Pag tatay nya nagbubuhat and trying to calm her, walang effect, dede ko lang nagpapatahan.
May pacifier siya, ayaw niyang isuck.
May feeding bottle rin, ayaw din idede. (pumped milk nakalagay)
Challenging talaga as a first time nanay.