Pacifier for self soothe

Hello mga mih, meron ba dito na never nagpacifier ang anak pero nagta-thumb suck? Mag-2months na si LO at nagstart sya mag-thumbsuck, I tried giving her pacifier pero naluluwa nya lagi. I’m concerned she might not able to self sooth if di sya matuto mag-pacifier. At the same time, concern rin ako baka maging dependable sya dun at later on mag-effect sa teeth nya. #advicepls #firsttimemom

8 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Never nagpacifier anak ko. Thumb-sucking is a milestone for them, ibig sabibin ay natututo sila mag-self soothe but they will eventually grow out of it. Just make sure always clean hands ni baby. Sa akin, basta tinatanggal ko lng daliri nya kapag isinusubo nya. And since brestfed sya, hinayaan ko lng sya whenever he wants. So technically speaking, ako yung pacifier nya 😅 Now 2yo, very independent and not clingy naman si lo. Hindi na sya nagsusubo ng kamay at around 1yo

Đọc thêm

my baby doesnt want pacifiers po. thumb lang nya or nipples ko okay na sa kanya plus buhay/hug and shush shush lang nagstart sya magthumb suck around 7weeks of age. di naman pacifier lang ang nakakpagpakalma sa baby. your mere presence, hug, buhat ay sapat na sa kanya to be pacified. yung tunog ng heart mo at warm body, that's comfort na sa baby mo.

Đọc thêm

same noon sa anak, ayaw na ayaw nga ng pacifier, mas gusto thumb sucking, hinayaan ko nlng. at ayun, nadala nya hanggang 8 yrs old siya, gumaganon lng siya pg matutulog, kahit anong saway ko noon, di talaga mawala. ngayun 9 yrs old na siya nawala na nya. at ang ngipin niya hindi naman naapektuhan sa awa ng diyos, maganda pa rin ang tubo.

Đọc thêm

Wag ka ng mag pacifier lalo kung breastfeeding ka kasi ma confuse lang baby at baka hindi na dumede sayo...based sa experience ko sa 1st baby ko noon, magiging dependable talaga sila sa pacifier kaya at 4 months itinigil ko na. Tas nagka anak ulit ako ng dalawa, never ko na pina try ng pacifier.

si baby ko ngayon 7months ayaw din ng pacifier, before madalas sya mag thumb sucking pero ngayon malikot na at puro laro na iniisip hindi na madalas....tsaka natutunan pa nya abutin paa so I think di na nya masyado hinahanap. pag nag sleep dede lang sya

Ganon si LO, pampatulog nya noon ang thumb sucking. Nakalimutan ko kung ilang months pero itinigil din nya eventually. Natutulog na lang sya mag isa ngayon ng walang thumb sucking

ang baby ko kc ayaw magpacifier pero nagttumb sack..hanggang ngaun 2yrs na xa mahigit

Actually mas okay yung thumb sucking kesa sa pacifier.