Banana at 5 months!

Mga mies di ko na alam mararamdaman ko sa lola ni LIP ko! Pinapasipsip ba naman yung saging sa anak ko. Eh yung anak ko pa naman kahit anong masubo e kinakagat niya. Paano na lang kung nakagat niya yon tapos nalunok or mabulunan siya. 😑 Yung LIP ko pa naman hinahayaan lang niya lola niya tapos patawa tawa pa sila. Kapag sumabat naman ako na bawal sasabihin ng lola niya "ang dami ko ng inalagan na bata". Sinabi ko sa mama ko ginawa nila, ang sabi ni mama baka daw hindi mahablot agad yung saging pag nakagat ni baby ko or baka hindi siya matunawan kapag nakakain siya ng saging. Ang bata bata pa ng anak ko pero ang tigas ng ulo ng lola ni lip.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kaw po dapat masusunod ikaw mommy eh, yan katwiran ng mga matatanda na madami na sila naalagaan noon kaya kahit mali na ginagawa nila akala nila tama. Putulin mo na po mga maling kaalaman nla, lack of education po. swerte lang sila di napapahamak yung mga bata noon😬 Be firm po pag ayaw nyo.

4y trước

yun nga po yung nakakainis, pero ok na po now. natanggal na hiya ko sa lola ni lip kaya nasasabi ko ng bawal po yung pinapakain sa kanya.

Super Mom

Hindi pa advisable ang saging momsh sa 5 months old. Huhu kmusta po si baby?

4y trước

buti mommy sinabi mo na. Yung black dot malamang yung sa saging po yun. Ganun kasi sa anak ko na toddler sumasama sa poop yung black dot ng saging.