Mga mi. any tips/advice po. 11 months napo si baby pero nag aalala ko dko sure kung separation anxiety o may ibang prob :( 1st time mom po ako. Si baby kasi grabe clingy simula nung nagkasakit sya bago mag 11 months, Ung tipong kahit nasa tabi nya nman ako laging gusto nakapandong kapit iingit para lumapit sakin kahit halos magkatabi lang kami. Di na sya nakakapag laro mag isa matagal gusto lagi nakadikit sakin. Gusto ko sana matuto sya mag explore maglaro ganon pero d sya nakakatagal :( nag aalala ko kasi hindi nya gusto mag laro madalas gusto nakadikit lang sakin kaya kahit tumayo ako saglit or nasa parehas na kwarto lang kami iiyak na sya ng bongga. Bakit kaya? Nag aalala kasi talaga ko gusto ko hayaan sya mag explore, madalas ko naman sya laruin ng f2f kami pero parang wala syang interes. May times na gusto nya pero sobrang saglit lang. Any tips po Pls respect po thanks