PPD at 1 month and 6 days...
Hi mga mi, skl kasi wala ako mapagsabihan ng nafifeel ko. This past few days napapansin ko sa sarili ko ang sensitive ko. Parang kahit simpleng bagay lang or may masabi lang saken na feeling ko nakakahurt naiiyak na agad ako. Tapos kanina lang na hurt ako sa hubby ko kasi may project sya and nakapag comission sya ng 8k. Dati rati binibigay nya lahat ng pera nya, pero kanina hindi sta nagbigay. Yung ganong kasimple lang na hindi naman dapat dinadamdam eh dinamdam ko. Lalo na nong dumating yung order ko sa shoppee na pang pump ng breast which is 285 pesos. Nagbigay ako pambayad pinakuha ko kay hubby kasi nagpapadede ako pero ayun nagalit sya. Order daw ako ng order, sabe ko naman pang pump yan para sana pag may pupuntahan kami atleast nakakapag iwan ako ng milk para kay baby. Binagsak nya yung parcel tapos sabi nya sana daw di na ko nag order, sana pag mag iiwan daw ako ng gatas pisilin ko nalang daw dede ko pero kako masakit kapag ganon at di naman lalabas ang gatas lahat pero nakasimangot sya. Kaya sabe ko babayaran ko nalang sya kako pag nakuha ko na sss benefits ko pero naiiyak talaga ko. Gusto ko na tuloy mag work para may sarili akong pera. Hirap nong nakikihingi ka lang. Wala kang sariling pera mo mismo, hirap din nong wala man lang kapalitan sa pagbabantay sa baby mo. Yung gawain mo lahat sa bahay. Naiiyak ako, napapagod ako as a FTM. Pero kinakaya ko kasi bukod sa wala akong choice eh nakikita ko ang anak ko, nawawala stress ko. Kaya minsan nagiguilty ako pag feeling ko napapagod ako sa pag aalaga eh. Parang ang sama sama ko kasi bat ako mapapagod? Eh anak ko naman yun. Huhu hirap 🤧