Inuubo si baby

Mga mi sino po dito na kakaexperience na inuubo si baby? Pero walang sipon, wala din plema or halak na naririnig. Napa check up ko na po sya, pinapa observe po sakin ng pedia kasi clear daw po si baby. Wala daw po ubo or sipon si baby. Pero inuubo po sya minsan, lalo na kapag tulog po sya.

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa pagkakaroon ng sitwasyon kung saan inuubo si baby ngunit walang sipon o plema, maaaring isa itong uri ng dry cough o ubo na hindi kaakibat ng iba pang mga sintomas ng impeksyon sa sipon. Maaaring maging sanhi ito ng iba't ibang bagay gaya ng pagkaalinsangan, pagkaingay sa pagtulog, o pagiging irritado ang lalamunan. Nararapat na patuloy na obserbahan ang iyong baby at paalalahanan ang mga sumusunod: 1. Siguraduhing maayos ang ventilation sa kwarto ng baby. 2. Panatilihing malinis at maayos ang paligid ng baby upang maiwasan ang mga bagay na maaaring magdulot ng pagka-irritate ng lalamunan. 3. Pinakaimportante, kumunsulta sa pedia upang masigurong walang ibang underlying medical concern ang ubo ng baby. Mahalaga rin na ipaalam sa iyong pediatrician ang pangkaraniwang pag-ubo ng baby para maibigay nila ang tamang payo o treatment kung kinakailangan. Kung nais mong malaman paano mapangalagaan ang baby na may ubo, maaari ka ring sumangguni sa video tutorial na ito: [Link to Baby Care Tips for Cough](https://www.youtube.com/watch?v=5LxetCiae2o). Sana maging maayos at malusog ang iyong baby! https://invl.io/cll7hw5

Đọc thêm
Thành viên VIP

Walang niresetang gamot? If may nebulizer ka mi, try mo sya nebulize using salinase lang. Ganon pinagawa ng pedia ni baby. Kasi clear naman din pati xray nya pero nauubo sya minsan. Ngayon oks na after nya mag nebu for 3 days.

6mo trước

walang nireseta mi. pinapaobserve lang. meron akong salinase nasal drops, ginagamit ko sya every time na maririnig ko uubuhin.

Baby q nkraang linggo grbe ubo s gabi hangat dumting s point n ngsuka p kakaubo wlng plema eh pinainom q lng oregano 3x a day sinasma q s gatas nya ayon gumaling agd isnh gabi lng sya inubo

6mo trước

Sbayan m ng vicks mie s likod bgo mtlog nlgyan q dn baby q nun ang bilis lng tlga nwla ubo nya s oregano ung baby dn dto n kpitbhay nmin ma plema ang ubo oregano lng dn pinainom 2days lng gumaling agd

baby ko ganyan din sabi ng pedia allergic cough lng kase clear nman daw lungs niresetahan lng kme salbutamol pang nebu at cetirizine before bedtime for 5 days

ganyan din anak ko .. Wala din Naman ubo at sipon .. Sabi baka daw allergies sa mga gabok ..

6mo trước

same mi. kasi kakalipat lang namin ng bahay. possible daw baka dahil dun. nakakatakot kasi kapag may ubo at sipon, matagal gumaling

baka nasamid lang sa sariling laway or d na burp Ng maayos

7mo trước

salamat mi

Super Mom

may certain time lang po ba ang ubo? baka allergic cough.

7mo trước

Opo. minsan habang tulog po sya sa madaling araw, biglang uubuhin.