18 days old si baby at ang biyenan ko eh parang dine-discourage ako magbreastfeed

Hi mga mi. Share ko lang to dito. Di ko kasi mailabas kahit sa husband ko kasi nanay niya eh, baka maipit siya saming dalawa. Balak ko talaga magbreastfeed hanggang kahit 6mos lang ni baby. Di pala madali magbreastfeed. Akala ko since satin naman kukunin yung gatas eh easy lang. Yung puyat ko simula naglabor ako hanggang ngayon, grabe. Matagal din bago namin nakuha ni baby ang tamang latching at yung achievement namin everyday, sobrang nakakataba ng puso. Kaya masakit sakin kapag nakakarinig ako na kaya parang di nabubusog anak ko kasi naka breastfeed siya sakin. Kaya ko namang tumanggap ng mga suggestion like i-mixed ko na lang siya para daw nabubusog. Para daw straight yung tulog niya, at di kami napupuyat. Gusto ng biyenan ko na itulad ko sa asawa ko nung baby pa siya na nakaformula kapag gabi. Di naman okay sakin kasi nga balak ko talaga breastfeed si baby kahit hanggang 6mos lang. Kaso everyday na di ko sinusunod yung suggestion niya, parang lalong nadadagdagan yung mga nakakaoffend na salita. Ako lang naman ang napupuyat, di ko naman sila nadadamay. Kailangan ko pa bang marinig yun lahat? Na para bang ginugutom ko anak ko. One time dumedede si baby, sabi pa ng biyenan ko para naman dawng marami siyang makukuhang gatas sakin. Araw-araw, kapag nakikita niyang dumedede si baby at matagal natatapos, kulang na lang ipamukha niya sakin na tama siya at mali ang parenting style ko. Kaso okay din biyenan ko kasi sa parinig at joke niya dinadaan kaya tatawa tawa na lang din ako kahit masakit 😅 na ang laki ng bibig ni baby tapos ang liit ng dede ko. Mas okay daw pagnaka bottle kasi nga yung nipple eh malaki. Na baka kaya di nabubusog kasi puro hangin na lang yung nahihigop. Alam niyo yun? Nakakasakit sobra hahahaha ang hirap magtimpi kasi parang gusto ko na lang itago sa kanila anak ko. Hindi kasi kami nakabukod ng asawa ko kaya sa lahat ng kilos ko, may comment si biyenan. Isa pang nakakatawa na nakakainis. Bakit daw sa left boob ako nagpapadede eh tubig lang daw naman laman ng left at ang rice eh nasa right. Hello????? Ewan ko san nila yan nakuha, nakakainis. Pati sa kung saang suso ako magpapadede eh may say parin. Ginagawa ko din naman ang research ko. Lumalaki naman ng tama si baby. Yung nga lang kapag dumedede siya, minsan umaabot kami ng sobra isang oras kasi nakakatulog siya, akala ko tapos na, pero magigising bigla para humingi ulit ng dede. Tuloy, sa bawat galaw ko kailangan ko mag google kasi nakakawala din ng confidence magbreastfeed kapag everyday may ganyan kang mga naririnig. Di ko naman ginugutom anak ko at dumudumi naman siya ng tama. Nakakapikon lang talaga at nakaka low morale. Anak ko naman to ah? Tapos naman na silang mag alaga ng sarili nilang baby. Gusto ko lang naman ienjoy ang bawat araw pero araw araw din may nangdidiscourage 😅 anyways, yun lang. Ang plano ko na lang ngayon eh ibaliwala lahat ng sinasabi ng biyenan ko. Masasanay lang din naman siguro ako. Alam kong di nagugutom ang anak ko kasi sobrang vocal niya kapag wala na siyang nasususo. Sarap tuloy bumalik sa pedia ng anak ko para lang may ipamukha kay biyenan na okay si baby kaso wag na nga lang. Di na ako papatol 😅

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hay Nako Sis ganyan Ako dati bwesit na bwesit Ako sa mga pinag gagawa nila sa akin tapos sinabihan pa Ako na Hindi Naman nabubusog baby mo Wala ka atang gatas Sabi Ng ganyan sa akin ay Nako Sis sinagot ko talaga ah. ( Sabi ko bakit mag gogrow kaya Yung baby ko Ng ganyan kung Wala pa akong gatas. Ay Galit na Galit Sis ah pinagtutulungan pa Ako nila dinadown din nila Ako noon aay Nako Sis ganyan Ako din lumaban talaga Ako naiipit Yung baby Namin Wala akong pakialam sa Asawa ko ipinagtanggol ko talaga sarili ko ah at karapatan ko sa Anak ko. Kasi Sila Sis first time nilang magka apo Kasi pero Ang nakapangit Naman eh kung ano ano pa Yung mga sinasabi na na ganyan din sayo na ganyan din Ako nawawala confidence ko dahil sa mga pinag gagawa nila pero Hindi ko pinahalata nagtanong tanong Ako at gumawa Ako Ng paraan talaga. sinasagot sagot ko Sila ah Kasi minamaliit nila Ako tapos mas Sila pa Yung walang kaalam alam sa akin sinagot ko Sila Ng ganyan ah. Lalo na Yung baby eh ilang weeks palang Hindi Niya talaga makuha kuha agad Dede mo Nyan at Lalo na iyakin din Yan pag ilang weeks palang.. nakakapanggigil nga non eh ah Ako Naman nilalabas ko din saloobin ko sa kanila ah sinasagot sagot ko dahil sa Kasama Ng mga ugali. sinabihan ko talaga na iba Yung breastfeed at iba Yung bote TAs sabay Sabi ko na para Naman kayong walang kaalam alam sa Bata palibhasa eh Isa lang Yung nadede Ng Anak niyo dati. sabi ko Ng ganun sa byanan ko ah. Sabi ko sa kanya kahit gaano pa Yan kalaki or kaliit Ang Dede as long as may lumalabas na gatas. Sabi ko Ng ganun ah MIL ko Galit na Galit ah.. lumaban talaga Ako Sis.. pero Ang nakakalungkot Naman Sis dahil sa ganun na pangyayari naipit Anak ko after 2 months may lumabas na sakit sa kanya to make story short after 8months din namatay Siya pero masiyahin Siya na baby.. pansamantalang blessing lang Pala Siya sa Amin mag Asawa. Kaya ngayon may sarili na kaming Bahay Hindi Niya naabutan na matapos na para sa kanya talaga ..at ngayon Yes naging maayos na kami Ng Mga in laws ko at Sila Naman ay Natuto din sa mga ginawa nila sa akin at sa baby ko kaya bumait Sila sa akin eh hahaha at Sila pa gumawa Ng paraan na magkaayos kami at Yung maganda Naman is magkakababy na kami ulit din at ka birthday Sila Ng First baby ko.

Đọc thêm
2y trước

Hay nako ha kainis si MIL pakelamera e anak mo yan.. Lola lang siya kaya ikaw ang may karapatan kung pano mo palalakihin si baby. Btw EBF si baby ko mag 8months na at balak ko hanggang toddler years magdede sa akin si baby ko.. buti nalang very supportive mama ko at MIL.. Tuwang tuwa pa sila kasi unlidede si 2ndbaby ko yung lagi nakakapit saken pati hubby ko suportado ako ng mga pampamilk na drinks.. Saka feeding per demand naman yan.. Si MIL mo siya tong matanda dapat pro breastfeeding siya e.. Wag mo pakinggan siya.. Ok si baby mo as long as healthy siya may wiwi at poops everyday means nakakakuha siya ng tamang milk sayo.

dedmahin mo na lang sila mi.. hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan ng newborn para mangailangan ng pagkadami2ng gatas.. basta po lumalaki ng maayos ang bata, ok na un.. pag sobrang busog naman din ng baby issuka niya lang iyong gatas.. pag po pinagpilitan ng biyenan niyo biruin niyo n lang din na siya bumili ng gatas..

Đọc thêm
2y trước

Kapag biruin ko mi baka totohanin hahahaha nakakahiya naman. Siya pa naman lahat ng gastos sa bahay kaya tahimik na lang talaga ako.