Sleep train

Mga mi, pwede bang isleep train si baby kahit 2 mos palang sya? Kasi parang hindi ko kaya tiisin na hayaan lang syang umiiyak. Nasanay sya sa karga ayaw palapag. #pleasehelp #advicepls #firstbaby

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Baka po gutom pa si baby mo, mi? Nung weeks palang si baby ko, ganyan din siya. Iyakin. Puro karga, ayaw palapag. Makakatulog lang mahaba kakaiyak. Kaya zombie mode talaga. Strict kami sa pagbibigay saknya 3oz every 3 hours (malaki po si baby ko. birth weight niya ay 3.7kgs, naiwan din sa nicu for 8 days. Nasanay sa bote at 2oz every 2 hours) Tas one time sabi ni tita ko, pag umiyak daw bigyan ko lang dede, iluluwa naman daw ni baby pag ayaw or pag busog na. Ganon ginawa ko mi. Few weeks before mag 1 month si baby, hindi na sya iyakin. Tas diretso na din sya magsleep sa gabi. gigising lang around 2-3am para dumede. Ang routine ni baby, around 6-7pm quick bath. As in ligo kasama hair. After nun, dede siya tas laro laro onti, usap usap. Babad din sya sa dede ko. Pagdating mga 9-10pm, give namin sya last dede then after burp, sleep na sya. Dim lights na din siya. Si baby ko mi, few weeks palang siya isleep train ko na siya. Kaya bago siya mag 1 month, di na sya namumuyat

Đọc thêm
3y trước

Tinry na namin taasan oz ng dede nya medyo nabawasan na pag iyak nya mi. Pero talagang malambing sya ayaw pababa kapag hindi oras ng mahimbing nya na tulog. Pag karga tulog pag lapag biglang dilat sya.

Thành viên VIP

ano yun mi? ganyan talaga ang newborn panay pakarga. ganyan rin baby ko pagtungtong naman ng 5-6mos di na sya palakarga ayaw na.

3y trước

Grabe kasi mi puro karga at iyak lang sya naiisip ko mga minsan baka may problem sya kasi un ibang babies naman hindi daw iyakin. Yung anak ko pag gising sya iiyak. Lapag mo sa bed iiyak din agd. Tapos pag kinarga iiyak pa din gusto nya yung parang nililindol sa pagyugyog