Good thing may back up plan po kayo na public hospital kasi ang pregnancy po ay unpredictable.. Like me normal sa lahat ng labs, bp, sugar etc then biglang isang check up 160/100 ang bp ko ayun emergency kaagad at nacs sa hospital ako nagpapacheck up talaga at health center. Pwede naman po sa lying in manganak, kahit nga po cs ang alam ko pwede sa lying in basta ang magpapa anak sayo ay OB at with complete apparatuses or mga kinakailangan sa pag cs or incase of complications during and after operations. Also inaassess din naman ng midwife during labor kung kaya lang nya paanakin or need mo na itransfer sa malaking hospital. ganyan nangyari sa sister ko .. and based on experience nya naging hassle kasi imbes na ang plan is sa lying in nagchange plan pa sila at nagbyahe dahil di kaya ng lying in paanakin. kaya ako stick sa plan, hospital na agad ako para maiwasan ung referral or transfering in case of complications 😊 In the end, kayo pa din po masusunod basta safety nyong dalawa ni baby ang isipin ❤️❤️
Depende po sa Lying-in clinic if i-allow nila. For your own safety, Lying-in clinics don't usually accept First borns for safety reasons, unless na emergency na talaga. Personally, balak ko sana noon na sa lying-in, pwede nga rin sana kahit sa bahay na lng since retired midwife ang mother-in-law ko. Pero ayaw ko na lng din magpasaway at alam kong for my own safety rin naman yun kaya nga hospital na lang ako. Now for my 2nd pregnancy, sa Lying-in na talaga gusto ko. Anyways, better to confirm directly sa balak nyong pagpa-anakan kung pwede yung gusto nyo mangyari para hindi kayo magkabiglaan kapag manganganak na kayo.
Same po tayo mi nag iisip din . First baby ko po ito nakapag p check up na po ako sa lying in kapag nanganak po duon normal deivery is around 20k . Kapag cs naman around 90-100k iniisip ko dmo masasabi baka bigla ma cs d kakayanin ng budget masisimot kami kaya balak ko sana magpa check up rin sa public hospital mas makakamura kami duon
pag public hospital walang problema sa bill kaya un i-0 bill need mo lang magtiis at mahabang pasensya lalo na iba iba ang policy nila (pwedeng may bantay or ung iba pag nasa charity ward walang bantay)