Mainit na pakiramdam
Hi mga mi, normal lang po ba mainit yung pakiramdam ko at sumasakit yung right side ng binti ko at balakang? Masakit lang balakang ko kanina before matulog, pag gising ang init na ng pakiramdam ko. Wala naman daw akong lagnat sabi ng partner ko. Tsaka yung ibang parts ng katawan ko malamig haha Pero yung binubuga kong hangin feeling ko ang init. Pati bandang leeg. Naka AC kami kaya di ko alam kung dahil lang sa malamig yung room or ano. Please help 🥺

