Lagi naiihi at parang may tumutulak sa kiffy

Mga mi.. may nakaranas na ba sa inyo na parang may tumutulak sa kiffy nyo at nafefeel nyo na iihi kayo? Ganon kase ako ngayon sa second pregnancy ko sa una naman hindi naman ako nakaranas ng ganto.. bale 4 weeks and 4 days palang sya ngayon.. wala pa nakikita na heart beat.. kaya papa ulit pa sakin yung trans v ko.. help me.. paano kaya to? Ang hirap kase kumilos.. yung lagi nafefeel na may nagpupush sa kiffy tapos naiihi.. kapag nakahiga naman po ako at nakataas paa hindi ko naman ramdam.. nakaka bother, baka kase buong pregnancy maramdaman ko to 😞😞 kase kung weight to ng baby.. what more pa kapag malaki na sya diba? 😞😞 Nakakabother 😞😞 Edit: nag pa check up na po ako.. at meron nga po akong UTI.. nag a antibiotic na po ako at malapit ko na po matapos.. ok naman na po ang pakiramdam ko ngayon.. salamat po sa concern nyo at advice nyo mga mi 🫶

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

consult your ob, ganyan din po ako. pinaglaboratory ako nung 6weeks walang UTI pero medyo mataas blood sugar result ko sa HBA1c na test although normal ang FBS. as per my OB hndi daw po normal yung palaging naiihi sa first trimester.

opo ganun din sakin kaso 30weeks and 1day na po si bb q ehh palaging ihi ng ihi.minsan nasusuntok nya kaya feel q naiihi na nmn aq 🥰🥰🥰😅😅

minsan sa ginagmit mo din yan na feminine wash po gnun Kc ako nung una tas nag change ako aun nawala sya. 11weeks preggy now 😍☺️

same tayo mi kaso ako 6mos na masakit din sya pag may tumutulak sa kiffy parang gusto nya na lumabas mabigat sa feeling

yes po. palagi akong naiihi, every minute ata akong ihi Ng ihi pero kokonte lang Ang iniihi ko.

Baka UTI mi. Ganyan rin kasi ako nung first trimester ko. Nung nagpa lab ako may UTI nga ako.

4weeks & 4days wala pang weight yan. wala pa ngang heartbeat yan. pacheck ka ng ihi mo..

baka po may uti ka mi..ganyan po ako before

Urinalysis, baka may infection ka mi

4t trước

nagpa check up na po ako at meron nga po ako UTI.. nag a antibiotic na po ako.