Braxton Hicks ?

Hi mga mi! Magtatanong lang ako. 15 weeks and 3 days na ako today, normal lang ba na halos everyday naninigas ang tyan ko? Yung tipong parang may nakasiksik banda sa singit ko at sa pagitan ng sikmura ko? Diko alam kung si baby na ba tong gumagalaw o ano. Halos araw araw kasi sya naninigas na medyo masakit, minsan tunatagal ng ilang minuto tapos mawawala pag nag iba ako ng position. Pero tuwing nakatayo ako dun sya titigas. 2nd pregnancy ko po ito. Sa fitst born ko kasi wala akong na feel na ganito e. Kaya worried ako kung normal pa ba to or what. Pero last check up ko naman wala naman sinabi sakin yung OB ko kung may something samin ni baby. Kasi normal naman daw mga lab results ko. Thank you mga mi!#pleasehelp #advicepls

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời