Pa-vent ako ng saloobin
Hello mga mi! FTM here and I have my 1m2w baby boy. Medyo fussy sya ngayon siguro dahil mainit. So nilalagay ko sya sa duyan para nahahanginan sya while nag uugoy. Also, sinasanay ko na sya na tumahan ng kanya basta nasa duyan sya. Yung hindi pag iyak ay kukunin agad. KASO ito MIL ko kinukuha lagi basta umiyak. Pano ko matetrain si baby na wag magdepend sa buhat basta umiyak. No hurt feelings naman kay MIL napakabait nya. Kaso nga lang parang nagiging spoiled si baby which is yun ang ayaw namin ng husband ko na mangyari. Huhu #advicepls #firstbaby
wala pong spoiled na newborn. normal sa ganyan ang pabuhat, mas gusto pa nga niyang matulog ng mahimbing sa dibdib kesa ilapag mo. ang 6weeks old na baby, di pa yan marunong umiyak ng arte lang unlike sa mga 2yrs old na marunong na makaintindi sa paligid nila.. umiiyak yan dahil yun ang only way nya to say na gutom, basa ang diaper, di komportable, nilalamig o naiinitan o inaantok pero di makatulog, masakit ang tyan, gusto ng yakap etc. baby ko 7weeks old, di namin hinahayaang umiyak ng umiyak, as much as possible maattend-an mo bakit umiiyak nabubuild ang sense of trust ng baby sa ganun...mas magiging iyakin ang bata sa later part kung ganyan ang gagawin nyo na hayaang kusang tumahan, pag ang baby, pinabayaan mong ganyan, magkakaron ng problem sa development nya esp sa psychological aspect.. sabi nga, di habang buhay newborn ang anak mo. savor the time.
Đọc thêmfor me, hndi pagiging spoiled ang palagiang pag bubuhat kay baby nasa adjustment period pa kasi sila at hinahanap hanap pa nila yung init sa loob ng matagal na pag bababad nila sa tiyan ntin ang kailangan pa po nila ay yakap at sa pamamagitan yon ng ating mga buhat mahirap pang mag move on ang baby lalo na kapag 9months sla na puro warm ang nararamdaman nila hndi na sspoiled ang bata kung laging buhat momshii kailangan kapa nila ngayong baby pa sila kailangan nila ung yakap mo para makapag adjust
Đọc thêmKawawa ang baby sa ganyang edad kung hahayaan mo lng umiyak ng umiyak at matutong tumahan sa ganyang age kailangang kailangan pa nya ang mga yakap mo mii dahil mnsan kya sila umiiyak ay hinahanap nya ang amoy mo, hinahanap nya yung mga yakap mo kahit na sabihin mong sobrang init sa paligid niya iba pdin ung yakap na hnahnap nya sayo im a ftm din at natututunan koyon ang sarap buhatin ni baby pag katapos umiyak habang karga mo feeling mo ang saya ng anak mo ksi feel nlang safe sya ksi nanjan ka…
Đọc thêmhi mommy, wala naman pong masama sa nararamdaman nyo normal lang yun saating mga mommies na gusto matrain LOs natin, pero sabi nga ng ibang mommies dito masyado pang maaga or bata si baby para di sanayin sa karga.. warmth and amoy nyo po ang makakapag patahan sakanya. Mabilis lang din kasi sila lumaki as in di nyo mamamalayan eh si baby na mismo mag self soothe and magsleep ng kusa. Sa ngayon enjoy nyu po muna si baby, hug him/her always, kargahin nyo sayawin nyo kantahan nyo ☺️
Đọc thêmfor me, a 1 month baby needs warm comfort. nasa loob sia ng tummy for 9 months. kaya it is recommended to swaddle the baby kaso ang init dito sa pilipinas. hindi naso-spoiled ang baby dahil sa lagi siang binubuhat. touch is very crucial to babies. i have 2 girls. if they cried when they were babies, buhat namin sila to comfort them. habang lumalaki sila, thats not the case anymore. gusto na laging nakababa because they are exploring na.
Đọc thêmyung MIL ko baligtad naman dati nung bagong uwi kami galing hospital pagkapanganan. sabi niya wag daw namin sanayin sa karga si baby. eh siyempre pag umiyak kelangan patahanin, alamin kung ano problema niya. kaya lagi namin siya buhat pag umiiyak. ngayon, mas malala pala siya. siya na nagpapatahan at madalas magkarga k baby. mahal na mahal niya ung apo niya. 😁
Đọc thêmYung baby ko inggit pa Lang iduduyan, tatapikin or kakargahin n namin sya kasi baka may nararamdaman , naiinitan o ano. kasi kawawa ang baby pag hinahayaan natin sila na iyak ng iyak pag laki may effect saknila un iba ugali ng batang iyakin pag lumaki. compared sa di hinahayaang umiiyak ng umiiyak ng baby sila 😊
Đọc thêm1month pa lang si baby, kawawa naman. Nag iingit pa lang baby ko hindi pa umiiyak kinukuha ko na sa higaan. Tama yung mga unang comment hindi pa na spoiled ang mga baby, nood ka din ng mga pedia sa tiktok madami ka matutunan.
Mi. Masyado pang maaga para itrain si baby da ganyan. Nagdidiscover pa sya. Di pa nga sya masyadong aware na may paa at kmay sya. Tapos dinedeprive mo sya sa kalong at buhat..