Hi mga mi, bothered talaga ako. Ofw hubby ko earning 40k a month. 8 mos bb namin, purely formula, enfamil nakakaubos ng 12 sachets a month, diaper and kumakain na rin ng solid food, may binigay na bahay sa amin mga parents ko, sa harap lang din ng dating bahay namin, bale hindi pa maayos, kaya balak namin ipa ayos kahit yung bobida lang muna. Si hubby my anak sa una nagsusustento 5k a month. Full housewife ako, give up my career. Nagsuggest ako kay hubby na if pwede mag strict muna kami sa expenses kasi walang natitira sa sahod nya. Sabi niya bigla, if hindi daw nya bibigyan mama nya baka daw ano masabi sa akin, sabi ko bakit? Pwede mo naman siguro i pause muna then kapag natapos saka ka magsustento. Tapos nagalit sya. Yung bobida namin butas na, last wik my nakitang balat ng ahas kaya gusto ko sana maipaayos pero ang katwiran ng hubby ko, di dw pwede na wala siya mabigay sa mama nya kasi mgglit daw. Currently living parin kami sa parents ko magkatabi lang haws namin, parents ko hinahayaan kaming makaipon, ang unfair lang kasi bakit magagalit mama nya kung di muna siya makapagbibigay. Madami naman sila magkakapatid. Tapos nag away kami, bigla nyang sinabi "Bakit ba pati sustento ko kay mama pinapakielaman mo? 5k nalang sustento ko sa anak natin". Dun ako nagalit ng sobra
Kourtney