33 weeks and 4 days ❤️❤️

Hello mga mi. Ask ko lang po if pwede na ko mag start maglakad lakad? Nakakairita na kasi mga marites sa mga tabi tabing bahay tsaka family ni hubby. Kesyo ang tamad ko daw maglakad lakad, mahihirapan daw ako manganak. Pero kasi para saken parang medyo maaga pa baka mag early labor ako since march pa EDD ko . Any advice po. Thank you ❤️

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Too early according sa OB ko. . Ako naglakad lakad at nagkikilos ako ng ganyang weeks ko kasi sabi nga higa ako ng higa o laging nasa bahay lang (since nagearly leave ako from my work), ending napagod ako, nagdugo, ayun takbo ng hospital, IE, inom ng pampakapit at pamparelax ng matres at bedrest tuloy ako, sabi ng OB ko no need magmadali. lalabas at lalabas ang baby, ppwesto yan. basta magrelax lang (since sa 1st ko naman normal delivery ako kaya hintayin ko na lang yung term ni baby). pwedeng maglakad lakad na by 36 going 37weeks. hayaan mo lang ang mga marites at mga nakikialam. kasama na talaga sa buhay yan.. wag kang pakastress. ang gawin mo na lang ngayon, iprepare yung mga gamit nyo ni baby, manood ka ng mga videos pano huminga ng maayos during labor, paano ang tamang pagire. pano ang tamang posisyon for breastfeeding at pagaalaga ng newborn...

Đọc thêm
2y trước

thankyou so much mi. papabasa ko 'to sa asawa ko 🥰

yes mamsh too early pa. 36 wks ako ngayon and kahapon naglakad ako ng medyo mahaba kasi may pinuntahan kami, ayun napagod ako sumakit ung puson ko, halos rest talaga ako the whole day. pwede ka naman mag-light walking, pero ayun din sabi ng OB ko wag magpapagod, at kilala mo ung body mo, at the right week, papayuhan naman tayo ng OB kung kelan dapat matagtag, pero para maiwasan yung preterm labor mamsh need natin magrelax, at magpahinga at magingat. hayaan mo nalang ung mga sinasabi ng iba

Đọc thêm
2y trước

thankyou mamsh 🥰

gnyan dn ang sav skn mglakad2 na dw ako .. 32 weeks plng ako peru alam ko sa srli ko na bka mg pre term labor ako og cnunud ko un .dhil rmdam ko tlga pg nppgod ako sumskt ang balakang ko at tumitgas ng tyan ko sobrang skt dn ng mga binti ko at singit ko .kaya mglalakd2 nlng ako pg 37 weeks na ko .

Same tau Mi 33 weeks and 4 days.. too early pa maglakad lakad sabi sa akin sa lying in pagpasok ng 36 weeks na ako mag startmaglakad lakad.. simula nagbuntis ako nakahiga lng tlaga ako kasi low lying ako bahala sla sabihan kang tamad pra naman sau at kay baby yan ksa mapa anak ka ng maaga

Ako 34 weeks na mi, di pa ko nagstart maglakad lakad. Wait ko go signal ni OB kung kelan pede magpatagtag. Wag mo pakinggan mga pakialamera. Dedma lang wag masyado isipin. Iwas stress kase malapit na din tayo manganak. Goodluck and have a safe delivery sating mga team march 😉

Pede naman mi basta wag po masyadong mag pagod magpahinga po pag nakaramdam ng pagod ganyang weeks ako natagtag at nag 1cm kaya halos naka bed rest ako ngayon, and now 36 weeks nako hopefully umabot sa due at mapigilan ang preterm labor.

para sakin sakin saka na pag 36 weeks and up. mag yoga2 ka nlng sa bahay 😁 32W 4D palang ako lagi lang ako naka higa at upo. need pa sguro tayo bed rest kasi ako nahihilo ako pag naglalakad at kahit nakatayo lang ng matagal.

32 weeks and 6days, Naglalakad na. mas maganda ngayon e. Kasi nong una kung pagbubuntis Saka lang ako naglakadlakad nong malapit nako manganak so Yun sobrang nahirapan ako nanganak, habang maaga pa maglakadlakad kana

ganyan naman talaga mga mema eh. taga comment lang pero kapag napahamak ka, hindi ka naman tutulungan. maaga pa para magpatagtag. pabayaan mo yung mga marites, ganyan talaga sila, mahilig magmarunong.

naku nakakainis nga mga tao sa paligid 32wks pa lang ako now gusto maglakad na ko ng maglakad naistress lang ako sa kanila

2y trước

true mamsh! magaling pa kesa sa OB natin 😅 Puro sila sabe na tamad tamad ko daw maglakad. Naghihintay lang naman ako go signal ng ob ko. hehe