Pagsusuka o gasgas sa lalamunan
Mga mi ano ba ginagawa niyo para ma relief pagsusuka niyo. Currently going 13weeks na. Grabe na pagsusuka ko mukhang nagasgas na lalamunan ko tapos sobrang asim pa. Pa help mga mi.
hello mi, magana ka bang kumain? if yes, try mo mag small, frequent meals.. tsaka iwasan mo yung mga sa tingin mo nakakapagtrigger ng pagsusuka mo. nung ako mga 3x lang ako nagsuka pero grabe ang nausea ko. wala kase ako ganang kumain nung 1st trimester ko kaya minsan o madalas hindi agad ako nakakakain kase di ko alam ang gusto ko kainin... (pero I make sure naman na kumakain pa rin ako) so usually, pag naaabutan ako ng gutom, dun ako nasuka o naduduwal. kaya ginagawa ko, nagssnack ako in between meals. pag medyo nagugutom na ako, nakain ako agad ng plain crackers tsaka more water para maiwasan ang dehydration. isa din pala sa nakatrigger sa akin nun yung nasobrahan ako sa maasim, naghyperacidity ako. kaya binawas bawasan ko, kahit nagccrave ako minsan ng mga maasim na prutas 😂 nagstart magsubside yung pregnancy sickness ko around 15-16weeks, mag20 weeks na ako this week. malalampasan mo din yan mi.. gogogo 😁😎
Đọc thêmNormal po talaga Yan . maselan po Pag bubuntis nyo..ganyan din po ako sa panganay ko..advice ko Lang po na na wag po kayong Kakain ng matitigas like apple ,soft food Lang po . para Kung isusuka nyo po Di po sya gagasgas sa lalamunan nyo po.nung nag susuka ako dati dumating sa point na may kasama ng dugo suka ko. Dahil sa gasgas sa lalanunan. lalong nagpahirap sa pagbubuntis ko . Dahil ayaw ko ng tubig buko juice po naging tubig ko. basta Kada suka ko Kakain ako Dahil ayoko manghina. kahit konti konti po Kain kayo..nung first trimester ko naadmit pa ako sa hospital.mangangank na ako naglilihi pa Rin ako. Pero thanks God nakaya ko 🥰 7 years old na baby ko ngayon currently buntis ulit ako Pero this time wala ng morning sickness napakagaan ng pakiramdam ko ..walang Hilo walang suka . 28 weeks and 4 days na Kami ni second baby ko . same Pala silang girl 🥰
Đọc thêmganyan din ako sis, graveh din suka ko nun mga nkaraan week sa ngayon less suka na ako 16weeks na ako.. ginagawa ko pag sumusuka ako kumakain ako ng rebisco crackers, dipende kc s panlasa at pang amoy ntin mga mommy yan yun cause ng suka ko sa mga naamoy ko, mag try ka ng food n mkakaless ng suka mo.. or kung graveh na pag susuka m mag ask kna s ob mo po..
Đọc thêmWith my second pregnancy with our daughter, I experienced this po. What helped me were ginger candies and crackers (gingerbon & skyflakes). Sometimes icechips help din po. Sa pangangasim naman, I would suggest you seek help from your OBGYNE para makapag prescribe sya ng antacid po.
iba iba po cause ng pagsusuka. minsan akala naten grabe lang tayo maglihi di naten alam acidic na pala tayo. nangyare kasi saken yan akala ko dala lang ng paglilihi ko. mataas na pala uti ko, acidic kaya pag suka ko isang beses may kahalo ng dugo. gasgas na pala sikmura ko.
yung 1st trimester ko ganyan din ako palaging nagsusuka ang ginawa ko nlng pagkagising ko sa umaga esusuka muna para malabas yong mapait na may halong maasim.. saka lang ako kumain ng breakfast at yon ganado ako kumain peru kaunti lang para d sumuka..
fita po tapos try po kayo uminom Ng ginger tea proven and tested po or Di Kaya fruits na maasim po sakin po naranasan ko Yan during 6 weeks to 9 weeks ngayon 12 weeks headache kaunti po
SALAMAT SA MGA ADVICES NIYO MGA MII ♥️🤗💗 PRAYING FOR GOOD HEALTH SA ATING LAHAT. TRY KO GAWIN MGA ADVICES NIYO BAKA GUMAAN DIN YUNG FEELING KO 🍋🍓🍓
Try mo mag yogurt and warm milk. Sky flakes, saging at apple nakatulong din sakin before nung nagka ganyan ako. Better to inform your ob din mommy. God bless!
naranasan ko din yan to the point dumugo ns yung lalamunan ko. lahat ayaw tanggapin ng sikmura ko. try niyo po magmumog ng maligamgam at asin. tiis tiis lang