10 months old baby
Mga mi 10 months old na si baby peru pag umiyak sya d talaga madala sa pikpik at kanta dpat pa talaga sya kunin at e hele 🥺 everyday na po talaga sya ganyan nahihirapan nako mga mi at pagod na pagod nako 😞 bakit kaya sya ganyan hays dahil kaya sa nasanay sya? Ganyan na po talaga sya simula pa nung ona tas Hindi na nagbago hays #firsttimemom #10monthsoldbaby
baka nagugulat si baby while sleeping kaya siya umiiyak. o di kaya nasanay talaga sa karga since newborn I suggest paliguan siya ng warm water and feed before bedtime, make sure naka burp siya after feeding. tapos make sure madilim ang kwarto pag bedtime. Dream feed po habang natutulog siya and Make sure lagyan ng small na folded blanket across baby's tummy para di siya magulat and no interaction at no eye contact and no noise when doing so, just do everything as quiet as you can. ganun ginagawa ko sa baby ko na 2 months old. at first mahirap gumigising sa gabi at iiyak. saka titigil pag buhatin ko pero worth it din sa huli, mahimbing tulog niya, she sleeps from 10pm to 5AM or 6AM straight na, I dream feed her po if katabi niya ako matulog, pero most of the time I dont dream feed. I use Tinybuds Sleepy time stick-ons sa baby ko for her to get comfortable sleep. and I give my baby a sleeping routine. 1 to 2 hours naps, 30mins to 2 hours wake window between naps kapag daytime. and I feed her as much as I can during her wake window para laging busog (breastfed po baby ko), pero I dont let her Nap pag 8pm or onwards. Ako kasi gusto ko habang maliit pa baby ko, masasanay siya sa sleep routine and gi-sleep train ko. my baby can self soothe to sleep na. diko rin siya masyado kinakarga kasi ayoko masanay siya. at first mahirap. pero sa edad na 9 months, sanayin mo momsh sa fixed na daily routine specially sleeping routine and everything will go great. if nahihirapan ka o stressed, let someone else handle the situation para sayo. Let me know if nag work out yung suggestion ko. ☺️
Đọc thêmGanyan po yung panganay ko kc nasanay dahil nga first baby alagang alaga sa karga at atensyon... 4yrs old na sinasayaw pa para makatulog...buti nung nasundan ng 4yrs old sya tapik nlang si panganay.. kaya nung nasundan etong si pangalawa sinanay namin na laging nakahiga lang sya ..dede higa ulit...di binubuhat ng matagal... eto po 3yrs old na syang hindi nya gusto ang buhat o yakap kpag tutulog na sya .. sya nlang mag isa...napasobra ang pagka independent hehe..naniniwala po ako na sanayan lang yan :) buntis po ako ulit sa huli at ikatlo, at ngayon kagaya sa pangalawa hindi ko sya sasanayin sa buhat para hindi ako mahirapan di kagaya sa una 😅
Đọc thêmbaka kabagin pa si baby mo momshie, at ang kabag ay may oras daw talaga, so kung almost everyday same time sya nagiiyak ayun baka kinakabag sya, at nacocomfort lang sya sa karga mo. malaking tulong talaga momshie ang may kasama ka sa bahay para kahit papaano ay may nakakatuwang ka if ever ngalay na magkarga kay baby hehe anyways kaya natin to! for our babies
Đọc thêmganyan din po baby ko. sobrang clingy pa sa akin. good thing, pag play time nya, gusto nya pakarga sa iba. important din talaga na may mga kasama sa bahay na pwede tumulong at mag assist sa yo at sa needs nyo ni baby. 😊
kagabi lang, ilang beses na naman nagising si lo ko. haaay.
samin naman ok ang baby ko d ganyan,kht mnsan q lang maalagaan dahl c mil nag aalaga pero aq nag aalaga pag rd ko d sya ganyan at never na ganyan... iba pdn tlaga pag may katungan ka mag alaga. pag ikaw lang kz mhrap...
Same po. 9 months na baby ko pero sa gabi ganyan parin sya. Tulog sya tapos bigla na lang iiyak pag binuhat mo saka titigil. Di talaga sya nakakatulog ng diretso sa gabi lagi ganun. Hirap din talaga mamsh.
ganito bb ko but what i did lately is nagko-cosleep kami para diretso dede habang nakahiga, di na need ihele kasi nakakatulog sya while feeding
Irritated sila, either malamig sa room or mainit. Gutom or sobrang busog o may kabag, hindi sila kumportable sa suot nila o medyo madilim sa room..
buhatin mo lang pag ganyan. lalo pong tumataas ang anxiety ng baby pag ganyan po. lalo rin syang magiiyak kukuha ng atensyon sayo.
musta na ho si bb nyo? ok na po sleep nya? what worked for you po if ok na sya? experiencing the same sa 9 month old bb ko. ty.
try nyo po patutugan ng lullaby song na parang piano lang. sa baby ko po super effective po nun, daredaretso tulog po. ☺️