Hi mommy, may nabasa ako na article na the more na pinipilit daw natin si baby pakainin ng pagkain na ayaw niya lalo niyang aayawan yun. Halimbawa ayaw niya nga ng gulay, try mo munang ipahinga siya sa gulay or baguhin mo ang approach mo sa kanya kapag kakain. I-assess mo si baby ano ba ang gusto niya? Maglaro? So try mong isama ang paglalaro sa pagkain niya ng gulay, halimbawa may favorite siyang toy kunware papakainin mo yung toy tapos ikaw din mismo kakainin mo yung gulay sa harap niya. Ipapakita mo sa kanya na masarap yun, nguyain mo tapos sabihin mo "ang yummy naman, parang naging strong si mommy ah, oh ikaw naman (insert pangalan ni baby)" mga ganyang strategy mommy. Wag mo siya pilitin na nagkakaiyakan na kayo kasi po parehas kayong mahihirapan talaga.
Natalia Regala Damiano