Pwede bang painumin ng mineral water ang 1month old na baby? at normal lng ba na mrami clang dumede

Mga mhie 1month old pa lang c baby q pero grabe n sya dumede nakakaubos sya ng 4oz n tinitimpla kong bona tpos dedede pa sya skin minsan di pa rin sya kontento pinapainom ko ng 2 to 3oz n mineral water na uubos nya pa rin

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi irerekomenda ang pagpapainom ng mineral water sa isang 1-month old na baby dahil ang mga sanggol sa ganitong edad ay kailangan ng gatas mula sa ina o formula milk para sa kanilang tamang nutrisyon. Ang mineral water ay maaaring hindi palaging safe para sa mga sanggol dahil ito ay maaaring may mga kumplikasyon sa mineral content nito na hindi angkop sa pangangailangan ng bata. Sa pagkaalam ko, pagiging malakas ng pagdede ng isang sanggol ay normal, at maaaring mag-iba-iba sa bawat bata. Ang ilang mga sanggol ay talagang malakas kumain habang iba naman ay mas kontento sa mas mababang dami ng gatas. Mahalaga na tandaan na bawat bata ay naiiba at may sariling pangangailangan sa pagkain. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa tamang nutrisyon ng sanggol at pagpapadede, maaaring makipag-ugnayan sa pedia-trician o iba pang propesyonal sa kalusugan ng sanggol. https://invl.io/cll7hw5

Đọc thêm
5mo trước

Nung pagkapanganak ko po kay baby June 5 mga 1week lang po aq nkpagpa dede sa kanya tpos nag formula na sya bona may inasikaso kc aq kya pinaalaga q muna sya sa tita q tpos nitong July 5 n lng po kmi ulit nagksma ng baby q hanggang ngaun pansin ko parang hindi sya nbubusog sa gatas ko khit pareho n nyang dinedean umiiyak p rin sya kya no choice tlga aq kundi mag timpla ng bona 4 to 5oz kya nyang ubusin

Hindi pa po pwede, kasi hindi pa po kaya ng kidneys ni baby na iprocess po ang tubig. Normal lang po sa mga babies na parang hindi sila nabubusog lalo na sa first month. Pagkatapos niyo pong padedehin sa formula, yung dede niyo po ang ipadede niyo. Ganyan ang baby ko noong first month niya, parang hindi sya nabubusog kakatapos niya dumede, wala pang 1 hour iiyak na naman. Kaya ang ginawa ko 1oz lang kada timpla para hindi maoverfeed. Pagkatapos niya dumede sa formula, pinapadede ko sa dede ko hinahayaan kong dumede hanggang sya mismo bibitaw. Nagformula din ang baby ko kasi walang gatas ang dede ko noong kapapanganak ko pa lang.

Đọc thêm

Pwede po uminom ng water ang newborn basta recommended ng pedia. Same scenario saken, nanganak ako last June 13 and kinunsult ko sa pedia ko na masyadong malakas dumede si baby vs sa recommended na oz nya. One specific water lang ang nirecommend nya (Dr. Edwards) at wala nang iba. Php 81 per 750ml. Pero consult your pediatrician muna kung ano ang angkop para sa baby mo.

Đọc thêm

no water po muna mii. hayaan mo lang sya mag unli latch sayo hanggang sa kusa syang bumitaw. nagpapalaki lang yan sila. ganyan din baby ko. pinadede ko na sa bote (pumped breastmilk) tapos dedede pa sakin. minsan ang mga baby kahit wala na nadedede sa dede ni momi dedede pa din sila. parang gusto lang nila na may sinusupsop, reflex kasi nila yun.

Đọc thêm
5mo trước

Salamat po sa advice

hindi po pwede na pure water. yung milk na po nya pinaka water nya. kasi yung organs nya di pa masyadong kaya labanan yung mga sudden na sakit. ingat ingat mi

Hindi pa po pwede uminom ng water si baby whether breastfeed or formula. Distilled water is allowed on the 6th month pa po.

6months po dapat pinapainom si baby ng tubig at hindi dapat mineral water. Yung distilled dapat tulad ng Absolute at Wilkins.

Influencer của TAP

baka growth spurt, extra hungry sila nyan. alam ko di pa pwde mag tubig ganyan edad 🙂

Oh no, mommy bwal po painumin ng water ang mga sanggol na below 6 months.

hindi pa pwede painumin ng tubig ang baby newborn. 6months pa pwede