paramdam

hi mga mamshie share ko lang sa inyo ung tatay kase ng anak ko nung nalaman niya nuon na buntis ako okay naman kame tas nung nga ilang araw bigla siyang nag bago sabihan ba naman ako na ipaDNA daw ung bata syempre na offend ako bakit kailangan ipaDNA si baby e siya lang naman ang naka galaw saken grabe sakit nung naramdaman ko nunh sinabi ko sa mommy at daddy ko na buntis ako at nalaman niya ung sinabi saken na Ipa DNA ung bata nagalit sila dun sa naka buntis saken kaya pinahiwalay na ko ng daddy ko dun sa tatay ng anak ko . tas kung anu ano pa nakakarating saken na salita galing sa nanay nung lalaki na pokpok daw ako malandi daw ako . tas kung kanikanino daw ako umaangkas na motor ng lalaki at pulis e kilala naman un ng anak niya at lahat un kaibigan ko nung college . grabe sakit ng mga pinagsasabi saken nung nanay ng lalaki tas mga ilang buwan malaman ko may gf daw ung tatay ng anak ko 3yrs na daw sila di ko alam ung feeling na naramdaman ko parang gumuho yung mundo ko tas kung anu ano pinag sasabi saken ung gf daw ng tatay ng anak ko . di ko naman sasagutin ung tatay ng anak ko kung alam kong may gf siya . to make the story short inalis ko ung contac ko sa tatay ng anak ko .tas nung nanganak na ko tska sila nag paramdam saken pati ung tatay ng anak ko kesyo kamuka daw niya anak daw niya yun bakit ko daw pinag kakaila e nung buntis nga ako ni kaplastikan na pag dalaw di nila nagawa saken . nababadtrip lang ako kase ginagawa nila akong mukang pera babayaran daw lahat ng nagastos ko sa anak ko para lang makita nila apo nila mga pisti sila . pero desidido na ko na kaya kong palakihin anak ko kahit wala siyang tatay .

68 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din ako dati. Hehe. Nabuntis. Hiniwalayan kasi itatakwil daw siya ng magulang. Malaman laman ko umuwe pala yung ex galing japan, yun ang alam na gf. Sabi pa nga nung nanay ng ex ko lahat daw ng driver ng jeep sa lugar nila eh naging jowa ko. 🤣🤣 Ultimo pati sa magulang ko siniraan ako. 😂 Nag ipon daw sila pan DNA test pero nung nakita yung bata sa picture naramdaman daw nung matandang babae yung lukso ng dugo. 😂 kelan ko daw ipapasyal dun yung bata? 🙄 Nakaka tulong nung una pero may gustong kapalit, sa kanila nalang daw yung bata at magpaka buhay dalaga na ako. Wtf?! Nanay din siya tapos sabihan nya ako ng ganun. Haba na. 😂 to make it short, malaki na anak ko na yun. Last year pina brgy nila ako para makuha custody. Yung taga dswd naman mukhang na kwentuhan na kasi eager siya na ibigay ko ang bata sa ex ko. Nag stick lang ako sa nabasa ko na kapag illegitimate ang bata sa nanay lang ang full custody at walang pilian na mangyayare not unless korte ang magsabi. 😊 Kaya mo yan sis. Hayaan mo sila mapapalaki mo ng maayos ang bata lalo sigurado tutulungan ka ng parents mo.

Đọc thêm