Mental health problems

Hi mga mamshie pano po pag hindi po okay mental health nyo because of your current husband. Nagoover think po kasi ako lagi and ang kanyang response lagi nasa isip ko lang daw yan. Eh totoo naman po may trauma kasi ako sa past ko. Di ko po alam if tama po yun. Tapos mga kalokohan nya dati na now ko lang nalaman habang kami. Sabi nya past naman un pero ginawa nya yun habang kami. Di ko na alam. Sabi nya itrust ko siya pero ang hirap mag trust kung lagi sya nagagalit sakin. Tapos pansin ko lang pag sa ibang tao sobrang patient nya. Pag sakin parang napakasungit nya. Wala pa po kami isang taon kasal. Minsan napapaisip ako kung tama po ba nagpakasal kami dahil lang sa baby. Mahal na mahal ko po siya pero minsan nadedepress nalang po ako. Normal po ba to sa pagkakaroon ng asawa

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes mommy. Yan po ang sinasabi ng mga matatanda na makikilala mo ang isang tao pag nasa isang bubong na kayo kahit gaano pa kayo katagal magkarelasyon may bago ka pa din na malalaman tungkol sa kanya. Tama naman po ang sinabi ng asawa nyo, magtiwala po kayo sa kanya kung may nagawa man sya noon ay nakaraan na po iyon, ang mahalaga ay yung ngayon. Wag nyo pong pigilan ang masaya nyong pagsasama ng dahil lang sa past nya. Magtulungan po kayo. Makakapag adjust din kayo pareho. Maging bukas lang po ang communication ninyo. Pag may nararamdaman ka sabihin nyo po sa kanya na ayos at wag paulit ulit. Asawa/partner nyo po yan. Kakampi nyo yan kaya dapat nyo po pagkatiwalaan. Love love love para sa masayang pamilya ❤️

Đọc thêm