STRICTLY BREASTMILK or FORMULA MILK (kung hindi EBF) lang ang baby.
Sorry sa CAPS 😅 Pero please wag po kayo mag painom ng kung ano-ano lalo na kung hindi po prescribed sa baby, wag mag self medicate, kasi hindi pa kaya ng organs nila yan, milk lang kaya nila.
I-observe niyo po yung cause ng halak niya.
At i-observe mo din po kung anong klaseng ubo ang meron siya, at kung gaano kadalas.
Baka kaya naubo dahil sa gatas? Nasamid?
Baka kaya naghahalak kasi hindi napaburp ng maayos? Na-overfeed (like less than 2 hours ang interval ng pagdede) Or bigla inihiga?
So tips ko po,
1. Make sure na 2 hours ang pagitan bago ang susunod na feeding.
2. Ipa burp ng maayos.
3. Huwag ihiga agad after dumede at mag burp.
4. I-upright position mo siya for 15-30 mins (pero ako dati 1 hour para sure 😅 tulog naman siya) para mabigyan ng time na bumaba pa yung milk at hindi magback flow.
Đọc thêm