EX

Mga mamshie, need advise lang po, medyo mahaba, pasensya na. May baby yung partner ko sa ex nya, they were totally separated nung nagkakilala kami. My partner told me nung nanliligaw pa lang siya and I accepted it since okay naman daw yung hiwalayan nila ni ex. Nag try siya magsustento pero ayaw tanggapin nung girl and nilayo yung bata. Nagkaron din ng bagong bf yung girl after nila maghiwalay at sinabi niya sa partner ko na yun na yung kikilalanin na tatay nung bata. Pero 2 mos siguro kami sa relationship namin, nagparamdam si girl, sinabi niya kung gusto daw makita yung baby, ipapakita niya daw basta magsustento (she also said na pinatanggal nya na surname ng partner ko), binili ni bf yung basic needs ni baby, kaso ang gusto ni ex e kumuha ng yaya since di na daw nila kaya alagaan yung bata which is hindi kaya ng sahod ni bf. Naaksidente din siya kaya hindi nakapagsustento ulit. Hindi na nagparamdam si ex samin pero after 1 year namin sa relationship ni partner, chinat nya yung mother ko, telling her things na bakit di daw niya sinasabihan yung partner ko na magsustento. Thats the time na minessage ko siya na wag idamay family ko, kasi kung sustento habol nya, yung partner ko dapat yung kausapin nya or pwede namang ako since open naman ako and willing to help kasi ayaw ko naman malayo yung baby ng partner ko sa kanya. Maayos kami nagusap ni ex, i even explained na nawalan ng work si partner and bigyan ito ng time para makabawi. I thought we're in good terms. Pero ilang days/weeks lang after namin mag chat, she posted us on Facebook, claiming na inuubos ng bf ko yung pera nya sakin imbes na magsustento na hindi naman totoo, I am working kaya hindi ko kailangan pera ng partner ko. I threw my bf an anniversary surprise and yun yung picture na sinama nya sa post nya saying na may pamg surprise daw bf ko sakin pero walang pang sustento. I would totally understand kung ipost nya yung partner ko pero she included me, she posted my photos as well. Her friends were bullying me, sending me hate message and calling me "Kabit", where in the first place e hiwalay na sila nung naging kami. Up until now kasi they are sending me mean messages that's making me stressed. Di ko po alam kung ano po dapat kong gawin. I was nice to her, and hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Any advise po? :(

26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

saka mommy if di naka pangalan kay bf mo yung bata, mahina laban niya sa dswd. Mag file ka din ng complaint about sa hayop na yan!

6y trước

Di pa din sure sis. Kasi baka mamaya mema nya lang yun pero nakapangalan pa rin pala.

My mgaX talagang paepal, cguro naka laboan na cla nang bf nya kya nangugulo na, bka gusto nyang bumalik sa X nya

kasuhan mo na mamsh. Grave oral defamation. screenshot mo lahat ng post niya sa fb bago niya burahin.

6y trước

Na screenshot ko na sis. Salamat po 🌹

Thành viên VIP

wag mo nalang pansinin, lalo nat alam mo naman sa sarili mo na wala kang ginagawang mali. 😊

Takutin nyo po na ededemanda nyo sila cyber bullying.. Or ipa tulfo nyo po

6y trước

Meron pa bangnakukulong sa cyber bullying? 😔 Ayokong umabot sa ganun kasi eskandalo din yun e.

Thành viên VIP

Kausapin mo face to fave