Tanong lang po
Hello mga mamsh! May tulad po ba ako dito na nahihirapan ifold yung gitnang daliri ko sa kaliwang kamay? siguro may 1month ko na to nararamdaman. Minsan yung isang daliri ko sa kanang kamay pero nawawala din agad. Yung matagal talaga mawala is yung sa kaliwa. Ngayon ko lang naramdaman to, by the way i'm 31weeks pregnant po. Ano po kayang pwede kong gawin para mawala to? at may kinalaman po kaya to sa pag bubuntis ko? Thank you po sa mga sasagot.