suppository?

Hi mga mamsh safe po ba ang pag gamit ng vaginal suppository? Nireseta sa akin ng Ob for 7days medyo mahapdi din po siya . Wala naman na daw po akong uti but may mga bacteria ako . then positive ako sa ilang test Im 6 months pregnant natatakot po ako kasi tinanong ko si OB kong ma'aapektuhan ba si baby at ang sabi niya pag hndi daw po nagamot pwdeng ma'apektuhan

suppository?
47 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din reseta ng ob ko sakin same case tayo momshie. Mahapdi nga talaga sa pwerta yan as in burning sensation siguro mga 2-3mins kasi may infection. Isang beses lang ako nakapaglagay,sabi ko sa ob ko di ko kaya talaga ilagay,kaya pinalitan niya. Flagyl brand niya yung metronidazole. Di yan pinapasok sa pwerta,iniinom yan. 2x a day ko iniinom. Tablet siya may pait lang konti,pero mas gusto ko na yan kesa sa pinapasok sa pwerta. Hehe

Đọc thêm

saken sis oral.. na pap smear test din ako nung 3months preg ako. . ngayon hindi pa tapos med. ko ei.. metronidazole gamot ko, nagtanong ko sa ob doctor sa company nmin bgo ako magstart for 2nd opinion. . safe at need daw mten gamutin if meron tayoninfrction while preggy. . pwede daw kasi mkuha ni baby yun..

Đọc thêm
Thành viên VIP

safe naman si baby sis. saka dont worry bsta galing ky ob safe yan.. ako nga ktpos ko lng din sa gamot nyan kc my yeast infection din ako. yun una nakakatakot kc di ako mrunong maglagay sa loob kc baka pumasok sa baby. kya un ob q ng lalagay. 7 days din pabalik balik namin sa ob q. pru ok n ngaun

4y trước

ilang arae umepek yung supposotory sayo mommy? nawala din ba kagad yung kati at discharge na puti?

Thành viên VIP

Yeast infection meron ka. Mahapdi talaga ung vaginal suppository kapag may bacteria sa loob ng vagina mo. Pero once na malinis yan. Di na mahapdi. Safe po sya. Kapag kasi hindi na treat ng tama pwedeng may pneumonia si baby pag labas

Thành viên VIP

Ibig sabihin po nun may vaginal bacteria ka na nagcacause po ng foul smell discharge, need yun gamutin kasi maaapektuhan si baby sa bacteria na meron ka. Nag ganyan din ako for a week, then nawala din yung vaginal bacteria ko.

Thành viên VIP

Anung gamot yan momshie???.../aq kc niresetahan den..sobrang taas kc ng bacteria q...and yes po..makakaaffect po un infection sa baby...30weeks na po aq pro possible for preterm labor aq pag ndi nagamot ung infection q...

5y trước

ab-intimus vaginal probiotic saken momshie...

Yes tapusin mo yang 7days. Niresetahan din ako dati ng Neo Penotran suppository dahil may infection daw nakita sa pap smear ko. Ayun gumaling din after ko maubos yung gamot at clear na infection ko.

Ganyan din ginawa ko nuon kasi may few bacteria ako nun mas safe siya gamitin kesa inaktake anti biotics. Maapektuhan talaga si baby dahil malapit ang vagina sa mismong pwesto ni baby.

Di naman . Ganyan rin riseta ng OB ko sakin dati . Suppository thank god nawala yung mabaho sa pwerta ko then makati sya . Hanggang ngayon nanganak nako dina bumalik , effective talaga sya .

5y trước

Anung gamot po ung nireseta sayo?

Mommy, trust your ob. Walang irereseta yan na makakasama sayo at kay baby. Gumamit din ako ng vaginal suppository dahil sa bacterial vaginosis and ok naman sya