Budget

Hi mga mamsh, non-working soon to be mommy po ako, ask ko lang sino po ba ang dapat naghahawak ng budget? Tayo po ba or mga asawa natin?

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

same tayo sis 😊 hmm, binibigay po sakin ni hubby ang pera. pero magkasama naman po kami maggrocery at mamili ng mga needs namin. basically, wala naman pong verbal agreement na ako o sya ang mag mamanage ng pera. pero andito po ang pera sakin sa bahay. tapos hihingi lang sya ng pamasahe.. ganun po.

Pareho kayong dapat maghawak at may hawak na budget ikaw bilang nasa bahay ka dapat may budget kang hawak para kung may bibilhin ka mabili mo.si mister since nasa trabaho di mo dapat bigyan ng limit na eto lang ang budget mo sa isang araw para just in case may gusto kang ipabili pag uwi nya mabili nya.

Đọc thêm
5y trước

Usap kayong dlawa baka di lang sya sanay na nagiiwan ng pera..

Sarili kme ng pera 😂 Kanya.o2 din kme ng bili ng mga needs & gusto namin. Pero sa baby hati kme Pag gagala nmn palitan kme ng gastos . Pero mas madalas pera nya hahah Mag tatanong lang un f meron pa ko pag sinabi kong wala nag bibigay nmn sya . Or mag tatanong f ano ung gusto ko

Đọc thêm
5y trước

Hahaha. Sakin din lalo na pag alam na bagong sahod ako. Lakas maka aya ng pagkaen. Sya pa pipili hahaha

Depende. Usually ang notion eh yung babae eh kung di naman marunong si babae maghawak ng pero edi si lalaki. Pero may point din na kanya kanyang pera pero pag family ang usapan si tatay ang gumagastos. Nasa sainyo as a couple yan kung anong mapagkakasunduhan nyo.

Super Mom

Sa akin po mommy may bnibigay si hubby na part ng sahod nya at ibabudget ko po yun kay baby at sa bahay.. hindi po lahat ng sahod nya sa akin but its ok kasi sya naman po ang nagttrabaho and kumpleto po kame sa gamit specially kay baby :)

Thành viên VIP

Nakadepende po yan sa usap nyo. Samin kasi ang marunong mag budget tlga yun hubby ko 😂 kaya pinapadalan nya nalang ako monthly ok naman di nmn nagkukulang saka matipid kasi yun ako yun gastarol samin 😂.

Thành viên VIP

Kayong dalawa mag asawa. I Don't believe in dapat si misis or si mister lang. I trust my husband alam ko na bibilin nya lang ang dpat, and lahat ng gagastusin ssbhin nya skin ganun din nmn ako s knya.

Sa akin po partner ko.. Para wala siyang masabi kapag naubos sahod niya. Hirap kaya mag budget tapos tatanongin ka bakit walang natira. ..

Depende kung sino marunong mag budget sis. Sa case ko si hubs naghahawak ng pera. Kasi gastadora ako. Pag may hawak akong pera kung ano ano binibili ko.

Papa hawak sa akin Yun Pera pero sabay kami mamimili NG mga kailangan sa bahay.... Tapos nagbubukod NG konting allowance nia