ADVISE
Hi mga mamsh. Meron sana ako gustong eshare and need ko talaga ng advise. Please. Ganito kasi yan. Meron akong bf si Karl for almost 5 years na sana kaso hiniwalayan ko kasi nga naghanap ako sa iba ng mga pagkukulang nya like hindi nya ako mabigyan ng anak. After nung breakup namin, nakilala ko si Macky. Naging kami kaagad at may nangyari samin. After one month, nalaman kong nabuntis nya ako. Bale, both kami nag-aaral pa talaga. Okay naman si Macky kaso puno ako ng insecurities sa sarili ko kasi ang gaganda ng ex nya tapos sobrang yaman ng fam nya. May nakapagsabi din sa akin na matapobre yung mom nya. Sobrang stressed ako that time kakaisip. Until narealized ko na mas love ko pa din pala si Karl kaya bumalik ako sa kanya at tinanggap nya ako pati si baby ko ? Iniwan ko talaga bigla si Macky tapos nangungulit sya saan na daw ako hanggang sinabihan sya ni mama na andun na ako ulit kay Karl. Galit sya pero sabi nya kung eto daw gusto ko mangyari wala na daw sya magagawa. Ngayon live in na kami ni Karl at gusto nya pagkalabas ni baby sa kanya dapat nakaapelyedo. Sobrang love nya kami ni baby ?? Wala na akong balita kay Macky ngayon. Pero natatakot ako baka isang araw kunin nya sa akin si baby. Matalinong wais si Macky at mayaman. Madaming connections. Last convo nila ni mama medyo nagbanta sya na magpapatulong sya sa tito nyang attorney. Si Macky pala meron ng unang anak sa ex nya. Hindi sa kanya nakaapelyedo tho kilala sya ng bata as a father. Mga mamsh, okay lang ba na angkinin nalang ni Karl yung baby ko? Kasi sa parents ko sobrang payag sila kay Karl. Help. Nabobother lang talaga ako kung tama itong decision ko.
First time mummy