tips for shaving

Hi mga mamsh, ma CS na po ako sa Monday. Hingi sana ako ng tips para maiwasan na hindi masugat yung private area kapag ishashave. Thank you in advance

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Do it sa maliwanag na lugar. Mas okay kung papagawa mo kay hubby since mahihirapan ka yumuko. Use conditioner or body wash para hindi siya dry. Use fresh na razor, wag yung gamit na. Mas ok yung made for ladies. Eto ginagawa ko: 1. Wash ka muna ng privates. Mas ok yung warm water. Mas ok din kung nakahiga ka since iba yung gagawa. 2. Trim it using scissors. Mas maikli yung matitira, mas maganda para less trabaho pag shinave. 3. After nun, kung walang shaving cream, use conditioner or johnson's baby bath. Isang dot lang then pahid mo sa part na gusto mo i-shave. 4. 2 motions lang lagi, isang go with the grain (idaan mo yung razor kung saan tumutubo yung buhok) tapos isang against the grain. Pwede naman ulitin kung may natira pa na buhok pero mas maganda na 2-3 motions lang para iwas sugat. 5. Once natanggal na yung hair, wash ka uli with warm water and pat it dry. Be prepared lang dahil sobrang kati nyan pagpatubo na. Hope you'll have a safe delivery. God bless. ♥️

Đọc thêm