aspirin
Hi mga mamsh, im 8weeks pregnant.ff up check ko po kanina sa ob..niresetahan po ako ng aspirin para daw hindi ako makunan dahil 3rd pregnancy ko na to kaso lagi nakukunan.pero pagtanong ko sa botika aspirin daw is para sa highblood mejo kinabahan ako.meron po b ako same case dito? tia?
Saken po. Naka-aspirin ako since 6weeks pregnant po until now, 27weeks. I think papatigilin lang tayo ng aspirin baka mga 2mos or less before tayo manganak. Anti-coagulant po kasi ang aspirin. Ito po ang ginagamit na treatment against frequent miscarriages na ang cause ay APAS, which I've tested positive po. Same tayo Sis. 3rd pregnancy ko na to and MC parehas yung naunang 2. Di ko pa nasubukan lumampas ng 8weeks, ngayon lang. With the help of aspirin. Kasi yung dugo natin ay probably malapot masyado. Kaya di umaabot kay baby yung needed nutrients niya to develop. Kaya nagkakamiscarriage. Tutulungan tayo ng aspirin na lumabnaw ang dugo, para makaabot kay baby. Basta ingat ka Sis wag ka dapat masugatan ah, mahirap tayo magheal from wounds pag naka-aspirin.
Đọc thêmSis binigyan din ako ng aspirin kasi nagkaron din ako ng miscarriage before. I am a nurse pero may alinlangan ako i-take kaya sinabi ko sa OB ko. Kaya pinaliwanag nya sa akin kung para saan to. According to her: "May history ka kasi ng miscarriage, to make sure na mabubuo yung baby mo dis time magrereseta ako ng aspirin, para yung blood supply umabot hanggang kay baby.. minsan kasi kaya nagkakaron ng miscarriage ay dhil sa mataas ang clotting factor ng dugo kaya hindi umaabot ang nutrients sa baby." And im glad sinunod ko sya sis. 38 weeks preggy n ako ngaun. Ipapastop din naman nya yung aspirin sis before ka mag 2nd o 3rd trimester. Nagpa APAS work up din ako just to make sure okay mga clotting factor ko.
Đọc thêmNag negative ako sis. Kaya before entering 2nd trimester pinastop na din yung aspirin ko. Makukuha pa yan sa gamot momsh.
Mommy, kung may kilala po kayong magaling na manghihilot mgpa alaga po kayo sa manghihilot pero at the same time sundin nyo pa rin mga gamot na binibigay ng OB nyo.. Kasi yung friend ko 2 times din xa ng miscarriage hanggang 6mos nya lng nadadala yung pinag bubuntis nya kahit completo vitamins at pampakapit na xa kasi mababa ata matres nya.. Kaya nung nabuntis xa 3rd time, sinabihan nila yung OB nya na susundin pa rin nila yung mga ipapagawa sa kanila ng OB nya pero sasabayan nila paalaga sa manghihilot.. from 2mos yung tiyan nya nka monitor na din yung manghihilot. At sa awa ng Diyos nakapanganak na xa at sobrang healthy ni baby.
Đọc thêmNag ask din po ako sa fb ng ganyang tanong kung pwd pahilot ung buntis..sabi nila hndi daw pwd kc hihimasin ang matris natin pataas..baka daw may mangyari sa baby..
Hello mamshie, im 14 weeks pregnant. On my 8 weeks binigyan na ko ng aspirin80mg kasi may history din ako ng miscarriage. I lost my first child at her 31 weeks. Safe naman yan mamshie. Advise ng OB ko till 34 weeks ako iinom to prevent what happen on my past. Sana makatulong to lessen your worries.
Aww ganun po ba sis.. sige po double ingat ka na po ngayon at pa check up agad pag may sakit sis.
NG aspirin din ako dhil my my history NG miscarriage.. Start simula NG first trimester tpos stop sya pag 7 months na.. Kaso m pg stop ko bigla ako NGkaron NG high blood na confine pa kaya ngayon methyldopa maintenance ko para s high blood.. Sana makayanan hanggang 34 weeks sabi NG ob ko..
Nakunan na din po ako ng dalawang beses..ung pangalawa ko po may komplikasyon po kaya niresetahan akonng aspirin pero dahil sobrang skit ng pkiramdam ko pag iniinom ko ung aspirin inistop ko po tas nag spot ako at nkunan..kaya sana po ituluy nyopo..
Makinig ka lang ka OB.. Baka yung nakausap mo sa botika eh assistant lang.. Hindi mo kailangang magtanong ng opinion ng iba.. Nagbayad ka sa OB mo, dun ka magtanong tanong.. Kasama yung sa bayad mo sknya.. At karapatan mo ding itanong yun..
Ako Po pinag take din Po ako NG aspirin NG ob ko, same case lng Po tyo pang 3tyme ko ng pagbbuntis to ung 1 and 2nd ko pagbbuntis miscarriage ako kea eto pang 3beses ko na to double ingat nlng now I'm 9weeks and 4days pregnant na po.
Hi mamshie, same case tayo... nagkaroon ako ng 2 miscarriage kea by the time na nagbuntis ako pinainom na agad ako ng Aspirin and stop up to 36 wks. This is to prevent APAS. Pwede mo i goolgle for more information.
Nag-Aspirin din ako before pero hindi pa ko pregnant nun. As per my cardiologist, sa maayos na daloy ng dugo. May cardiac arrythmia kse ako (irregular heartbeats) na nagccause ng hypertension.
Soon To Be A Mama