Switching to formula milk
Hello mga mamsh! I know napaka laking benefit ng BM sa babies natin. 9 months na akong nag B-BF sa daughter ko. I need to work badly, naka bukod kasi kami ng asawa ko, alam niyo na, finances. Anong tips ba ang pwedeng mai-apply para lang mai-switch ko na ang baby girl ko sa formula milk? Any tips mga mamshies? Salamat in advance.
if di pa naman ubos ung milk mo po, magpump ka muna. kasi sayang din magwork ka nga po, pero laki din kasi budget for milk. pag wala na breastmilk and sana by then, 1 yr old na si baby, para makabili ka ng mas budget friendly na baby milk na okay din naman ang nutrition value.
pump ka na lang po. working mom din ako. turning 7 months na si baby ko. mula nung bumalik ako sa work ngpump nako. kay yan! 😉 sayang din ung nutrition at the same time tipid. 👍
Di mo need mag formula milk sis kung may bm ka pa. pwede ka mag bf kahit working mom ka. Bili ka ng milk storage and pump mo. Laking tipid pa and benefits andon pa rin. 😊
Kung hirap painumin sa bottle si lo try pigeon 😊
pagkaya po pwd naman siguro mix muna para hindi mabigla si baby bago walain ang breastfeeding...
try nyo po mommy na yung partner or kasama nyo po sa bahay ang magpainom sa kanya... kasi alam ni baby na ikaw po nagpapainom lalo na po na 9 mos na sya di sya iinom sa bottle dahil alam nyang nandyan po ikaw mommy...
lagyn mo ng kape ung nipple mo pra di na dumede..
try mo online sis.pra sa tabi k lang ni baby
I am currently working online. pero hindi siya ganoon kareliable for our finances. thank you sa advise dear. :)
Vlad and Dmi's mommy