nakakahiya ba?
Hi mga mamsh, I gave birth September 2019 via CS my LO is 9mos old now and currently I am pregnant for 2mos now 😅 They said It's Quarantina baby Hindi ba nakakahiya mga mamsh kasi medyo na offend ako sa sinabi ng OB ko nung tinawagan ko sya, "buntis ka?hindi kayo nagingat,hindi kayo nagcontrol - mostly kasi nagpapaanak sya sa private hospital, ako yung isa sa mga pinaanak nya sa public hospital twice so feeling ko kaya ganon sya kasi wala sya kinikita sakin unlike nga naman sa private diba.
Hindi dahil sa walang kinikita yung OB kaya ganun sya mag salita. Delikado magbuntis agad kapag na cs dapat mga 5 years ang agwat para fully healed na ang katawan mo. Tama naman sabi ng ob mo hindi kayo nag ingat, what if bumuka yang tahi mo sa loob habang lumalaki tyan mo? Di mo naisip yun? Tapos ganyan kapa sa ob mo.
Đọc thêmHala, ang alam ko pag CS di pwede mag buntis kaagad. Don't get offended sa sinabi ni OB mo. Totoo yun na di kayo nag control at nag ingat. Very crucial ang CS Momsh. Kung di ka nag woworry sa baby mo at least mag worry ka sa sarili mo. Good luck sayo momsh and be safe always.
hmm safe k naba magbuntis sis kagit from CS ka? base kasi sa nababasa ko usually pag CS advisable na mga 2years bago mapreggy kasi may chance na di pa totally heal ung sugat at baka bumuka.. nabsa kolang din un dito.. kaya siguro sis mejo ganyan ang sabi ng OB mo ..
Medyo offhand yung comment niya but i dont think dahil yun sa wala siyang kinita sayo but for health reasons dahil CS ka. Tsaka siyempre mahirap magbuntis sa panahon ngayon. But andyan na yan, just try to keep yourself healthy and safe.
Delikado po kasi di pa healed a g tahi mo mommy. Cs din ako and ang advice eh atleast 3yrs bago ako mag anak ulit dahil pwedeng bumuka ang tahi dahil mag eexpand yang tyan mo. Dapat po talaga nag ingat kayo kasi ikaw po ang mapapahamak.
Wala naman nakakahiya kung nabuntis ka ulit. Siguro nabigla lang OB mo kaya ganun.pero nevertheless,dapat hindi siya ganun magsalita o nagbibiro ng ganun sayo. Para maging komportable ka,hanap ka nalang ibang OB.
Hindi dapat nag sasalita ng ganyan an OB whether sa public or private hospital ka. I suggest you change your OB, napaka-unprofessional niyan. It’s none of her business kung mag anak pa kayo ng partner mo or not
I suggest you change your OB. Congratulations and goodluck on your babies. 🥰
hindi nman na kakahiya kaso hindi pa ata safe sayo, usually kasi dapat 2 years ang gap kapag cs gawa ning tahi mo sa tiyan. kaya siguro ganun reaction ni kasi d safe momsh dapat pa alaga ka talaga
ayun nga po kaso ayun na nga andito na, salamat po kahit papano nakakatulong, hopefully makahanap ako ng ibang OB
Di naman nakakahiya sis pero pag cs ung advisable na gap is 2yrs.. tsaka sa panahon kasi ngayon na may pandemic magastos at mahirap din magbuntis at manganak..
Oh my god pano yan fresh pa mga sugat mo dahil sa cs,dilikado pag lumaki na tiyan mo dumugo yan😱baka bumuka ang suGat.Ok lang kaya yan?basta keep safe lang