Buhat / Karga

Hi mga mamsh. First time mom here. Malapit na mag one month ang baby ko. Ask ko lang po, dapat ba talaga wag sanayin na binubuhat si baby? Kapag kasi umiiyak na si baby, andun yung nakakataranta na hehe. As much as possible naman, ayoko buhatin dahil sabi nila, ako din daw ang mahihirapan. Pero, naisip ko naman minsan lang sila maging bata, kaya parang gusto ko din sulitin. Ano po sa tingin nyo? #1stimemom #advicepls

Buhat / Karga
55 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa baby ko lagi ko syang buhat hanggang sa ngayong 9months na sya. Namimiss ko yung maliit pa sya na di pa masyado nagalaw kasi ngayon dadamputin ko lang sya pumapalag na, mas gusto nya na maglikot kesa karga. Nagpapakarga lang sya pag inaantok na. Di pa nakakalakad anak ko pero ganto na nararamdaman ko, ano na lang pag kaya nya na tumakbo. Enjoyin mo lang mamsh, mamimiss mo din yan.

Đọc thêm