Palayaw Ng tummy
Hi mga mamsh. Curious lang Ako. Ano palayaw ni baby sa tyan nyu habang Wala pa siyang gender? Hehe. Katuwaan lang mga mamsh. Para di tayu lagi kinakabahan sa mga questions natin and experiences.. 😊😊si baby 19 weeks na And tinatawag namin Siya bingbong. Yung pusa Kasi namin bingbing kaya Siya Naman si bingbong. Hehehe. Kayo ba mga mamsh?
tawag namin kay baby siomai 😆 yun ang tinawag sakanya ng daddy nya kaya minsan yun din natatawag ko sakanya.baby girl po si baby ko ☺🤗❤
Nung nasa tyan ko sya. Munchkins tawag ko sa kanya. wala lang ang cute kasi 🤣 tapos nung may gender na yung pangalan na talaga nya. 💕
Kapag kinakausap ko si baby nung hindi pa alam gender ang tawag ko sakanya "My Sweet little baby" 😊 o "Angel Baby" ❤️
Sa akin medyo nakakatawa Baby Bolbol 😅 parehas kasi kami ng partner ko mabalahibo ehh kaya yun baby din daw for sure mabalbon 😂
BABY BUTETE 😅 yung partner ko po ang nagpalayaw sa kanya. Kasi sa first ultrasound nya nung 8weeks mukha daw siyang tadpole 😅
baby ko minsan bunsokoy kasi sobra likot ee kpag may karga ako baby anak ng bayaw ko nagseselos ata haha lakas maka ninja kick hehe
Bunso twag nmin s knya pang 2nd baby nmin. Ung panganay ko baby date nmin twag ngayon ate na kasi may bago ng baby hehe
𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗦𝗼𝗷𝘂 😅 asaran kasi namin mag-asawa, kakaSoju nya kaya nabuo ang 1st baby namin. 🥰
Precious Gem 💖 kahit di pa alam gender hihi, maging baby boy or baby girl man, He/she still our Precious Gem 😍
yung sa akin, tawag ng husband ko baby atingting..Kaya yun na rin tawag nmin Kay baby lahat sa bahay 😂😂
Hoping for a child