Baby Kicks

Hi mga mamsh! Ask lng, normal ba yung sharp kicks ni baby? Yung parang ang diin ng hagod nya sa tyan ko, di ko alam kung siko or tuhod ba yun, haha basta madiin sya. To the point na masakit na minsan pag tumagal. Sinong may ganung experience dito? TIA!

36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hahaha same tayo momsh masakit nga gumalaw si baby ko ngayon minsan napapangiwi ako bigla😂 pero normal lang yan may baby kasing malakas talagang gumalaw

5y trước

Haha. Minsan di na nakakatuwa eh, hirap din kaya matulog. 😂 Low blood tuloy ako ngaun.

Breech or suhe po siguro si baby, parang baby ko. Pume pwesto or nag hehead down na kasi sya kaya mejo masakit at sharp ng movements nya sa loob.

Normal lang naman sis. It means healthy si baby kapag madalas kicks nya. Saken din ganyan naninigas tapos maya maya nawiwiwi na 😂😂

hehe, same here po momsh, kung mka ninja kick c baby ko parang hindi girl...sa kakasipa nya palagi ako nag trip to banyo po..heheh

ganon po talaga. Hehe. di natin madetermine kung punch or kick yung movement nila. ang importante nararamdaman natin🧡

Ganyan din baby ko..minsan nga nasisipa din nya ribs ko 😂 masakit tlga tas ramdam mo ung pagstretch ng tiyan

Same tapos minsan ung tadyak tatlong sunod sunod tapos ung last nakastraight nalang paa hahahahah sakit e

normal po yan. ienjoy nyo po habang nasa loob pa si baby. ibang likot na po paglabas nya 😆

Me! Napapapikit nalang ako pag nafi-feel ko siyang gumagalaw, ang sakit na kasi. 😆

saaame!! ramdam ko na din po paa nya hahaha nasukat ko na nga sa kakastretch nya maigi

5y trước

Haha. Di ko nga alam kung paa ba yun o tuhod o siko eh. 😂