Magkano nagastos nyo nung nagpaCS kayo?

Hi mga mamsh, ask lang po magkano nagastos nyo nung nagpaCS kayo?? 150k ksi pinapahanda saken ng OB ko. My alam ba kayo ospital around taguig city na mura lang pero private hospital? Iniisip ko ksi kung lilipat ako ng OB and hospital para makamura. Sa Medical Center Taguig ung OB ko. Thank you.#pleasehelp #advicepls

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

CS bikini cut 68k (na less na philhealth) UPLB infirmary Dr. ebuenga No hassle kasi di pinalinis yung sugat ko at never nagkaron ng infection Feeling VIP sa infirmary kasi ako lang mag isa nanganak tapos ang babait pa ng mga nurse may lactating nurse pa na nagturo samin ng proper latch at proper breastfeeding. 37 weeks na nung lumipat ako ng OB kasi napakamahal yung singil sakin dito sa calamba. Sa st. john 110k pinapaready sakin nung OB ko sa CDH 120-160k. Buti nalang nirecommend ako nung friend ko kay doc ebuenga na kakapanganak lang rin. Ayun tinangap nya parin ako kahit due date ko na. Taga calamba rin ako mi pero dumayo ako ng LB kasi mas mura kalahati talaga natipid ko at hindi ako nagsisi kahit malayo. Need lang magpaswab ka bago ka magpa admit sa infirmary mi.

Đọc thêm
2y trước

Hindi sya lying in dahil may operating room sila. FYI Ang lying in nag aaccomodate lang ng normal deliveries hindi CS

Ask your OB saan pa siya hosp affiliated para makapili ka kung alin ang mas kaya ang budget.. Yan pinahahanda sayo ni OB mo tama lang naman presyo for CS momsh ganyan talaga presyuhan ngayon lalo na pandemic at nasa NCR ka pa.. Sa akin 120k CS ko Batangas private hospital naka minus na ko niyan sa philhealth at nagka complication si baby ko pagkapanganak ko naiwan pa sa Nicu for 1week kaya nagtotal ako halos 250k.. Kaya mas ok ang may sobra pa sa pinahahanda sayo ang budget mo mii mahirap kasi di natin hawak ang posible mangyari..

Đọc thêm

na ask mo po ba mi kung meron yung OB nyo na ibang hospital na pwede cya magpa anak? ako po kc tinanong ko sya kung saan pa sya pede magpaanak na hospital na medyo mas lower ang cost. Pinaghahanda ako ng 100k kasama na ligation process, calamba laguna area po ako.

2y trước

private hospital po ba? bka public po kaya wla bbyaran

Ako mumsh 70-80k cs pinareready ng OB ko Normal naman 50-60k taytay doctors sya.. nagsabi lang din ako before sknya kng san may ibang pwedeng mag anak sya na mas makakaless.. kasi sa unang hospital na nirecommend nya sakin mejo malaki.

Either Cruz-Rabe sa taguig or ACE Pateros po na medyo malapit. Mahal talaga jan sa MCT. Dati din jan OB ko kaso parang ang tipid sumagot ni Doc Hazel so lumipat ako. Nung naraspa ako sa Cruz-Rabe, okay yung OB.

Sa mct din OB ko. Pinapahanda nya skin nitong may lang, 180k. Ayun lumipat ako sa marikina. 😁 132k lang. CS kasabay na patanggal ng ovary sa kanan at Isinabay na namamagang apendix..

2y trước

Opo. Nagkataon lang na yung sister in law ko kasabayan ko din manganak. Ayun nagtanong po sya. Tas pinapunta na agad ako. Hehe.

Hi mamsh. may nabasa ako sa FB di ko alam if malapit ka sa Fatima University medical center sa Antipolo ata yung name. nasa around 50k po yung cs..

try mo Po mommy sa St. Mary lying in ung ob Po dun si dra. Marilou, pag C's ka Po sa Rabe Po kayo nasa 70k po

Brigino general hospital sa bulacan mii 35k lang package nila less philhealth. Private hospital

Influencer của TAP

meron po try nio po semi private po rabe cruz general hospital doon po na admit anak ko.