Pumutok ang panubigan
Mga mamsh ask ko lang ilang oras ba dapat obserbahan pag pumutok na ang panubigan? Yung pinsan ko kasi pumutok na panubigan niya 12hours na nakakalipas . Delikado na po ba yun? Pasagot po please.
Advice po ni OB sakin before na once pmutok ang panubigan punta na agad sa hospital dahil open na ang placenta ibig sabihin mabilis nang makasagap ng bacteria si baby at imomonitor na nila ang mommy mayat maya pag once pmutok na ang panubigan baka kasi mag dry labor.
Ganyan po nangyari sa ate ko dati 24 hrs na pala pumutok panubigan niya tapos tsaka lang siya nakaramdam ng contractions pag dating namin ospital na cs agad siya tapos nun pag labas ni baby hindi na makahinga😢 3 hrs lang si baby namatay na.
Yes mommy.. Delikado po kay baby kung maubusan ng amniotic fluid habang asa loob pa siya.. Papuntahin niyo na po yung pinsan niyo sa ospital..
Punta na po kayo sa hospital. Nang pumutok ang panubigan ko pinagbawalan ako na maglakad-lakad kasi daw baka lumabas ang pusod.
Pa admit nyo na po sya sa hospital para ma monitor sila ni baby. Delikado po kase yun pag naubusan sya ng tubig.
Mag dadry labor po yun momsh. Better go to the hospital na. Delikado pag naubos ung panubigan. 😢
I hope makaraos na siya. Pray lang po kayo. 😊
Mommy Of My Little Miss Sunshine